Wazzup, Spookify. This is my dummy acct, as you can see. Marami akong gustong ikwento. Ako iyong story teller ng mga kaibigan ko sa mga ganitong bagay kaya sana lahat ng ishe-share ko ay maipost. Hindi ako nangbibigo. Lahat totoo. Ito na, kwento ko na agad. I am 23 years old, male and single. Sa totoo lang, mga arep may itsura naman ako kahit papaano kaya madalas ay may mga nagkakagusto sa aking mga babae. Pero kahit ni isa sa kanila ay wala akong nagugustuhan. Hindi ko talaga sila trip. Minsan nga nakwestyon ko na ang sarili ko kung straight ba ako pero winala ko rin iyon agad sa isipan ko kasi I really know for sure na ang hanap ko talaga ay babae.Until, I met her. Her name is Hana. She's beautiful pero sobrang tamad niyang mag-aral. Kapag nasa klase kami ay siya palagi iyong nale-late sa klase. Iyong tipong tapos na iyong klase namin eh kararating niya pa lang. Kahit examination ay ganoon din siya. Madalas pa siyang bagsak sa exam. Hindi ko nga alam paano pa siya nakakatuloy mag-aral. Kung alam ba ng parents niya na ganoon siya katamad mag-aral. Hindi ko pa siya nakakausap noon pero marami na akong naririnig na hindi maganda sa kaniya.One time, napadaan ako sa isang kumpulan ng mga babaeng classmate ko. Hindi ko naman sinasadyang makinig sa usapan nila pero nang narinig ko ang pangalan ni Hana ay talagang awtomatikong lumaki ang tenga ko. Pinagkwekwentuhan nila si Hana. They said na 'pakana raw itong babae,'. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa right term pero ganoon ang pagkakasabi nila base sa narinig ko.There's something from me na talagang nainis sa narinig ko. Kaya nakipag-away ako sa mga classmate kong babae at nakita ko na lang iyong sarili kong pinagtatanggol siya. I don't know why. Talagang hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging asta ko.Remember, hindi ko pa siya nakakausap. So hindi talaga kami close. I convinced myself that time na baka naaawa lang ako sa kaniya kasi nga pinag-uusapan siya ng patalikod.Later that day rin ay nasa promenade ako ng school. Kumakain ako nang pananghalian sa mahabang mesa nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Naamoy ko ang pabango niya kaya naman bumilis iyong tibok ng puso ko. Alam niyo na kung sino.Noong lumingon ako sa kaniya ay nakita ko talaga iyong napakagandang ngiti niya. Alam niyo iyong tipong parang nagtwi-twinkle iyong eyes niya. Ang sarap pagmasdan. We talked and nagpakilala siya, nagpakilala rin ako sa kaniya.Hanggang sa nagkaka-chat na kami sa facebook messenger araw-araw. Madalas kapag walang pasok ay panay video call namin. Masaya ako na nakakausap ko siya palagi at alam kong ganoon din siya sa akin. Maraming nagulat noong naging kami talaga. Syempre marami talagang nagkakagusto sa akin pero kung sino pa iyong taong hindi ineexpect ng tao na magiging girlfriend ko ay siya pa ang nakatuluyan ko.I'm so proud of her. Tinuruan ko siya kung paano maging masipag na estudyante. Lagi na siyang on time pumasok at talagang alam niyo iyon malaki iyong naging pagbabago niya. I'm lucky and blessed to have a woman like her. Wala na akong ibang masabi. She's beyond perfect in my eyes.Lagi kaming magkasabay papasok at papauwi kasi malapit lang iyong bahay nila sa amin. Hindi naman sobrang lapit pero parang mga two blocks bago sa amin. Pareho kami nang pinag-aabangan ng jeep at nalaman ko lang iyon nang naging kami.Sobrang perfect talaga ng relationship namin at minsan lang talaga kaming mag-away. Wala, eh. Sobrang bait niya, maalaga, parang tropa ko rin at talagang nakikisabay sa mga hilig ko. Lalo sa paglalaro ng DOTA at COC noon. Parang fairytale talaga.Pero noong nag sembreak ay hindi talaga kami nagkikita kasi umuwi siya ng province. Panay video call lang kami noon at lagi kong nakikita na parang sobrang tamlay ng mukha niya noong mga panahon na iyon. Na kahit makita ako ay parang wala siyang sigla. Alam ko ay miss na miss niya ako kasi nga syempre LDR kami. I tried to cheer her up. Many times and napapatawa ko naman siya at lagi kong sinasabi na magkikita rin kami sa pasukan. Minsan nga nakikita ko na lang ang sarili ko na umiiyak sa sobrang pagkamiss sa kaniya. Nadepress na rin ako, nagka-anxiety, at hindi na rin ako nakakatulog sa gabi pero kapag nakikita ko siya ay sumasaya talaga ako. Sabi ko matapos lang ang sembreak ay yayakapin ko siya nang mahigpit na mahigpit. Natapos ang sembreak. Okay nanaman ang lahat, nagkikita nanaman kami pero sa tuwing magkikita kami ay parang sobrang matamlay iyong itsura niya. Parang walang sigla iyong ngiti niya. Pero sa tuwing tatanungin ko siya kung bakit ganoon ay ngingiti lang siya, hahawakan ang kamay ko at maiiyak. I tried to make things clear, tinatanong ko ano bang problema pero ang tanging binibitawan niyang salita sa akin ay 'mahal na mahal niya raw ako.'Iyon na rin pala iyong last na makikita ko siya. Isang araw nagising na lang ako nakapalibot na sa akin iyong parents ko, mga kapatid ko at iyong parents ni Hana. I remembered nasa kwarto ko ako noon.They are crying at chini-cheer up ako. Pinapagaan nila iyong loob ko at sinasabing sana kayanin ko na lahat. Sana matanggap ko na ang lahat. Sana maging masaya na ako at bumalik sa dati. Sobrang confused na confused ako noong sinabi nila ang mga iyon sa akin. Tinanong ko kung anong nangyari at bakit sila ganoon. Binigay nila ang picture ni Hana sa akin at sinabing "Please, say goodbye to her."Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa mukha nang marealized ko lahat ng sinasabi nila sa akin. Napahagulgol ako nang malakas Sobrang lakas. Nagwala ako at pinagbabasag lahat nang nakikita kong mga gamit. I remembered na yinakap ko nang yinakap nang mahigpit iyong picture ni Hana. Sunod-sunod iyong patak ng luha ko even now habang tinatype at kwinekwento ko ito because that time, e namatay na talaga si Hana. She's gone at hindi ko na maibabalik.Iyong time na nagbakasyon siya sa province ay doon na pala siya nadiagnose na may brain cancer. I even remembered na madalas sumakit ang ulo niya, madalas nagsusuka at minsan memory loss pa. Noong time na iyon lang nag-sink in sa utak ko na iyong nakakausap ko, nakikita ko at nahahawakan kong Hana pagkatapos ng sembreak ay gawa na lang pala ng utak ko. Nagsu-suffer na pala talaga ako ng depression at naghahallucinate kasi hindi ko matanggap na wala na siya. Wala na iyong babaeng minamahal ko ng sobra. Ilang beses na rin pala akong narehab pero paulit-ulit lang. Gagaling ako pero ganoon nanaman. Minsan na pala akong nabaliw nang hindi ko man lang namamalayan dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya.Hay, Hana. Kung nasaan ka man ngayon, thankful pa rin ako kasi nakilala kita. Mahal na mahal pa rin kita. Pakiramdam ko ay hindi na magbabago iyon. Ingat ka palagi diyan, pinakamamahal kong babae. Magkikita ulit tayo. Pero ito ang pinapangako ko, hindi ko pinapabayaan ang sarili ko at nagiging better na ako everyday. Sana nga nagbabasa ka rito sa Spookify, eh. Pasensya na kung naikwento nanaman kita sa iba. Hehe.Sa mga readers ng Spookify; alam ko pong hindi siya nakakatakot pero totoong nangyari ito sa buhay ko at totong dumating siya sa buhay ko. I hope na nagustuhan niyo ang love story namin ng mahal ko. Gusto niyo pa po ba ng ibang experience ko? Dali, comment na. Marami akong gustong ibahagi. Maraming Salamat.-NTHEKING
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...