Kumusta? Hindi ka nanaman ba makatulog? Pareho tayo. Kwentuhan nalang muna kita, habang naghihintay ng reply n'ya, ay este ng antok pala. It happened month of December, 2018. Bandang alas-kwatro ng hapon, pinuntahan ako ng kapitbahay/kaibigan naming si ate Jo. Nakiusap ito sa akin na sa kanila ako matulog para bantayan si Gavin, ang anim na taong gulang n'yang anak. "Two days sa Manila si tatay kaya walang kasama yung bata. Ikaw lang mapagkakatiwalaan kong magbantay kay Gavin for 2 consecutive nights. P'wede ka ba Kira?" tanong sa akin ni ate Jo. Call center agent s'ya, 8pm to 7am ang pasok. Nasa abroad ang asawa n'ya kaya sila ni Gavin at ang tatay ni ate Jo lang ang magkakasama sa bahay. Pero dahil nga may inaasikaso sa Manila ang lolo ng bata, wala itong makakasama sa bahay sa loob ng dalawang gabi. (Sana hindi naging magulo ang paliwanag ko)Ayokong pumayag, hindi lang dahil umay na umay na akong mag-alaga ng mga bata sa dami kong pamangkin. Kung 'di dahil ayoko talaga sa bahay nila ate Jo.Pero wala na akong nagawa, ipinagkanulo ako ni mama dahil sanggang-dikit sila ng family ni ate Jo. Ewan ko ba kung bakit kapag close mo ang isang tao'y kay hirap tanggihan ng hinihinging pabor nito.Moving on, ako nga ang magbabantay kay Gavin. Hindi naman s'ya gaanong mahirap bantayan dahil close kami. Isa pa'y nakakatuwa rin s'yang alagaan dahil bibo at sobrang cute. Nakakagigil ang matataba nitong pisngi na madalas kong pisilin at panggigilan, yung bahay lang talaga nila ang problema ko. "Gav aalis na si mama. Wag kang pasaway kay ate Kira okay?" paalam ni ate Jo sa bata sabay halik dito. Makaraan ang ilang mga habilin, tuluyan na itong umalis. Agad kong isinara ang gate, at ikinandado ang pinto at mga bintana. Nasa sala kami ni Gavin, naka-on ang tv at nagkalat ang mga laruan. Halos isang oras ko na ring inaaliw at nilalaro yung bata, hanggang sa matuon ang atensyon ko lumang rocking chair na nasa likod ng pinto. No'n ko lang yun napansin, kaya nagtaka ako agad kase wala naman akong nakitang rocking chair doon magmula pa kanina. Natahimik ako ng mga sandaling yun, tila nagka-phobia na kase ako sa rocking chair dahil sa na-experience ko noon. Inisip ko nalamang na baka sa lolo ni Gav ang upuang yun, baka hindi ko lang talaga napansin kanina.Tumayo ako at inaya ko na si Gavin na magpahinga. Nakabukas ang lahat ng ilaw sa loob, nagitla ako nang biglang magkukurap ang ilaw sa kusina. Dito na nag-umpisa ang kabang kanina pa talaga gustong lumabas sa dibdib ko. Alam ko namang may kakaiba talaga sa paligid, binabalewala ko lamang. Hindi ito ang unang beses na nakapasok ako sa bahay nila ate Jo, ngunit iyon ang unang beses na nanatili ako roon ng gabi. Lumakad ako palapit sa kusina, patuloy parin ang pagkurap ng ilaw kaya kinapa ko ang switch at ini-off. Pasumandaling iginala ko ang aking mga mata sa paligid, bago ako nagpasyang bumalik kay Gavin pero... nangilabot ako nang may malamig na humihip sa batok ko. Naka-ponytail ako noon kaya ramdam na ramdam ko ang malamig na pagdampi ng hanging tila ibinuga talaga sa aking sa batok. Natigilan ako at agad na nakiramdam, mabibigat na paghinga ang nauulinigan ko mula sa aking likuran. Inihanda ko ang aking sarili upang lumingon, pero biglang may humawak sa aking kamay–si Gavin. Dahil doon ay nabasag ang makapigil-hiningang tagpo. Hindi ko na naramdaman ang tila nilalang na naghahabol ng kanyang hininga sa aking likuran. Nilingon ko parin ito, nakahinga ako ng maluwag nang wala akong nakita. Sana guni-guni ko lamang 'yon. Inihatid ko na ang bata sa kanyang kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama habang kinukumutan si Gav. Nilibang ko nalamang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkukwento kay Gavin. Makalipas ang halos sampung minuto'y bigla itong nagsalita. "ate Kira, I want some milk" sabi n'ya sa akin. Agad naman akong natigilan dahil nangangahulugan lamang ito na pupunta ako sa kusina para magtimpla. "o-okay, hintayin mo'ko dito" Dahan-dahan akong nagtungo sa kusina at ini-on ulit ang ilaw, hindi na ito kumukurap. Nag-umpisa na akong magtimpla ng gatas, nakabibingi ang katahimikan sa loob ng bahay kaya rinig na rinig ko pa ang tagingting ng kutsarang tumatama sa babasaging baso.Maya-maya pa'y nakarinig ako ng mahinang mga hakbang, tila papalapit sa akin. Saktong natapos na ako sa pagtitimpla kaya agad akong kumilos paharap upang dalahin na ito kay Gavin.Halos mabitawan ko ang baso sa sobrang gulat nang tumambad sa harap ko si Gav. Suot ang puti nitong kamiseta at asul na pajama, barefooted na nakatayo ng tuwid at diretsong nakatingin sa akin. Pagkalaki-laki pa ng pagngisi nito na naghatid ng matinding kilabot sa akin. "ang tagal mo ate Kira" sabi n'ya sa akin nang hindi inaalis ang ngiting yun. Hindi ako agad nakaimik dala ng pagkabigla. "sa-sabi ko naman sa'yo antayin mo nalang ako" tanging nasabi ko, pero nakangisi lang si Gav nang lumapit sa akin. Bahagya akong napaatras. Kinuha n'ya ang tinimpla kong gatas at walang pakundangang ininom. Makaraan ang ilang saglit ay naubos ito kaagad, ibinalik n'ya sa kamay ko ang walang lamang baso saka lumakad pabalik ng kwarto. Napakabilis ng mga pangyayare na hindi ako halos nakapagreact o nakagalaw, hindi ko alam kung bakit. Minabuti kong magchat kay ate Jo, sinabi ko sakanyang kinikilabutan ako sa bahay nila, pero ang reply n'ya sa'kin–"wag mo nalamang pansinin". Pinatay ko na ulit ang ilaw sa kusina, bumalik na rin ako sa kwarto ni Gav. Ilang minuto palang ang nakararaan pero kung titignan ay mahimbing na ang tulog ng bata. Isinawalang bahala ko nalamang ang mga kakaibang nangyare, ayokong mas takutin pa ang sarili ko. Nahiga na ako sa kabilang side ng kama ni Gav dahil malawak naman ito. Tahimik ko lamang pinakikinggan ang tik-tak ng orasan at ang mahinang paghilik ni Gavin. Matagal na rin akong nakahiga pero hindi ako makatulog. Ikinabit ko ang earphone at nagpatugtog, sa mahinang saliw ng musika ay nakaramdam ako kahit papano ng kapayapaan. Pero agad ding binawi sa akin ang mga sandaling kalmado. Nag-iba ang timpla ng musika sa aking tenga, tila may kakaibang boses na sumasabay sa kanta. Malamig na boses na nagha-humming, napabangon ako at dali-dali kong tinanggal ang earphone, ini-off ko rin ang cellphone. Napatingin ako kay Gav na mahimbing ang tulog. "namamahay lang siguro ako" sabi ko nalang sa aking sarili. Hindi ko inexpect na ganito ka-creepy sa bahay ni ate Jo, lalo na pala sa gabi. Hindi ko na matandaan kung anong oras na ako nakatulog noon, kung ano-ano parin kase ang naririnig ko. Lagaslas ng tubig, footsteps, mahinang melodiya na tila nagmumula sa banyo, at ang pinaka nakapagpatindig balahibo sa akin ay ang matinis na pag-ingit ng rocking chair. Doon na ako sobrang kinilabutan, wag na tayo maglokohan, hindi tutunog ang isang yun kung walang uupo at sasandal sa upuan.Hindi nga lang talaga kaming dalawa ni Gavin ang nasa bahay. Nagdasal ako ng taimtim hanggang sa wakas ay makatulog. Pero sa kalagitnaa'y bigla nalamang akong nagising. Medyo malamlam ang paligid at tila nag-iba ang itsura ng loob ng kwarto. Nawala ang ilang mga kagamitan, at ang mas nakapagpabagabag sa akin ay nang tingnan ko si Gav. Wala ito sa aking tabi! Napabalikwas ako at agad tumakbo palabas, pero gaya ng atmospera sa loob ng kwarto, sadyang may kadiliman rin sa sala. Halos maubos rin ang mga kagamitan roon. Kahit naguguluha'y kumilos ako para hanapin si Gavin. Nilibot ko ang buong bahay paghahanap sakanya pero bigo akong makita ang bata. Dinala ako ng aking mga paa pabalik sa kwarto dahil may naulinigan akong boses mula doon. Dito na tumambad sa akin ang isa sa mga pangyayareng hinding-hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. May isang babaeng tantya ko'y nasa mid-50's ang edad. Nakaupo ito sa gilid ng kama, sakanya pala nagmumula ang naririnig kong boses. Nagha-humming ito habang maingat na hinahaplos ang buhok ng babaeng nakahiga ng tuwid at natutulog. Hindi ako agad nakakilos at hindi ko maalis ang mga mata ko sakanila. Patuloy lang ang babae sakanyang ginagawa hanggang sa huminto ito. Dahan-dahang pinihit ang kanyang ulo sa direksyon ko, sabay pinakawalan n'ya ang isang makapanindig-balahibong pag-ngisi. Gusto kong sumigaw pero nakakuyom ang bibig ko. Ramdam na ramdam ko ang panglalamig ng aking balat at labi, nahirapan na rin akong huminga hanggang sa makarinig nanaman ako ng halo-halong boses. Tinatawag nila ang pangalan ko. Isang malakas na tinig pa ang narinig ko, at doon na ako nagising. Agad akong bumangon, hingal na hingal at pinagpapawisan. Hindi ako halos makapagsalita na kahit anong tanong sa akin ng mga tao sa paligid ay wala akong maitugon. May nag-abot sa akin ng isang basong tubig, matapos uminom at medyo kumalma ay nag-process narin sa wakas ang utak ko. Nasa paligid ko si Gavin, si mama, at si ate Jo. Panay ang hingi ng tawad ni ate Jo sa akin dahil sa nangyare. Hindi nya raw alam na aabot sa puntong ganoon. Hindi parin ako makapag-salita dahil iniisip ko yung mga nakita ko sa panaginip. Pero hindi, hindi lang yun basta panaginip, ramdam kong totoo. Sabi ni mama, kaya rin daw ako binangungot dahil sa pwesto ng higaan. Nakatapat ito sa pintuan, ika-nila'y may tendency na managinip ng masama kapag ang paa mo sa pagkaka-higa'y nakatapat sa pintuan. Pero hindi naman iyan ang bagay na gumugulo sa aking isip, kundi yung babae sa aking panaginip. Yung babaeng nakahiga habang hinahaplos ang buhok. Kilala ko ang may ari ng katawang 'yon, dahil ako mismo ang babaeng 'yun.♡Keep safe everyone.-Higurashi Kira.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...