Part 4
Sa kalagitnaan ng pag uusap namin sa daan tila ba kay liit lang ng mundo. Sa laki ng syudad hindi ko aakalain na magkikita kami ni Marissa at Mariella. Napadaan kasi kami sa may mga nanininda ng street foods. Sampung metro lang ang layo namin ni Daemon mula sa kanila, nararamdaman na namin ang kanilang aura. Wala din naman kaming nakikitang apoy sa kanila dahil mukhang nag eenjoy lang sila. Tawanan lang tungkol sa bawat kinikwento nila. Naka upo sila at mukhang wala namang hinihintay. Ibig ko sanang umiwas ng daan ngunit wala akong makitang ibang daraanan. Kaya naman kunwaring kalmado lang ako habang yumuyuko ng kaunti. Hindi ko alam pero habang papalapit ako ng papalapit sa kanila kinakabahan ako. Mabilis akong napansin ni Marissa kaya ng makalapit ako ng kaunti tinawag niya ako bigla. "Huuuyyy!! Miguel! Halika upo ka saglit dito!" sigaw ni Marissa sa akin. Nakakahiya dahil sobrang lakas ng boses ni Marissa parang hindi babae. "Halika ka upo ka dito libre kita Miguel!" sigaw niya ulit sakin. Halos lahat ng tao karamihan ay mga lalake na nakaupo rin doon malapit sa kanila ay nag tinginan sakin. May mukhang naiingit, nagtataka, at nabibilib. Sino ba naman ang hindi maiingit kung tatawagin nang napakagandang babae para ilibre ang isang lalake. No choice ako kaya naman lumapit ako kahit nahihiya. Habang sumingit-singit ako ng daan sa mga lamesa. Naririnig ko ang bulungan ng mga lalake sa paligid. "Yahayas nimal oy. Tawgon ramag gwapa nga bayi para librihon." na ang ibig sabihin sa tagalog ay "Swerte nung hayup. Kakawayin lang ng magandang babae para ilibre. At nang maka lapit ako ay umupo ako sa tapat nila. Inutusan ni Marissa si Mariella para dagdagan yung binili nilang streetfood para sakin. Lumipat ng upuan si Marissa at tumabi sakin. Nakikita ko sa paligid na halos ng kalalakihan tumitingin kay Marissa. Panong hindi titingin eh naka fit na T-shirt at naka short. Naamoy ko pa ang pabango niya na talaga namang nakakahiya. Nawala sa isipan ko ang sinabi ni Daemon. Nag-usap ulit kami ni Marissa pero halos iba ang turing niya sa akin ngayon kumpara nung una. Masyado siyang dikit kung tumabi sakin tapos kapag tumatawa kami habang nag uusap kinukurot niya ako. Umaasta siya na para bang matagal na kaming magkakakilala kahit kanina palang. Minsan humahawak siya sa tuhod ko habang tumatawa dahil nag bibiruan kasi kami nun. Nararamdamn ko sa tuhod ko napaka lambot na kamay ng isang napakagandang babae nag babalat-kayo. Wala naman akong nakitang apoy sa ulo niya na palatandaan sa ano mang nasa isipan niya. Gayundin si Mariella na nakikinig lang sa amin, sumasabat at tumatawa. Habang masaya kaming tatlo na nag-uusap si Daemon naman ay may narinig raw na sigaw. Wala akong pake-alam dahil hindi ko na trabaho iyon. Isa pa, nag e-enjoy ako at ayokong madistorbo. "Saglit lang Miguel babalik lang ako. Jan kalang mabilis lang ako." tugon ni Daemon sa akin. Sa pagiging madaldal ni Marissa hindi ko na namalayan na alas diyes na pala ng gabi. Ganyang oras tulog na ako dahil gumigising pa ako ng alas dos ng madaling araw para bilangin ang kita sa item. Halos kalahating oras na ang nakalipas, wala pa si Daemon. May isang lalake na kasing edad ko, moreno at maitsura, halos magkaparehas lang kami ng katawan, matangos ang ilong matangkad ng kaunti sakin na nasa 5'9 ang height. Tinawag niya ako na para bang matagal na niya rin akong kilala. Lumapit siya kung saan kami naka upo ni Marissa. "Sino siya Miguel?" tanong ni Marissa sakin. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko naman siya kilala. "Daemon Gray pangalan ko miss. Daemon nalang itawag mo sakin. Kapatid ako ni Miguel." sagot niya kay Marissa. "Ahhhhhh kaya pala medyo magkahawig kayo ng mukha. Di mo sinabi sakin na may kapatid ka Miguel. Sige upo ka jan. Siya nga pala si Mariella, kapatid ko." ani naman din ni Marissa sa kanya. Nag tinginan lang si Daemon at Mariella ng ilang sandali. Di rin nag tagal nag usap din sila at nag kwentuhan. "Alam ko binabalak mo Daemon, wag kang gagawa ng masama sa harap ng mga tao." bulong ko sa isipan ko. "Wala akong gagawing masama. Papaliwanag ko nalang sayo mamaya pag naka uwi tayo." sagot din ni Daemon sa akin. Tumagal din ang pag-pag uusap naming apat. Makalipas ang ilang oras nagpasya kaming umuwi na dahil lumalalim na ang gabi. Wala na masyadong masasakyan kaya nilakad nalang namin. Parang double-date ang naganap imbis na mag hanap ng kaluluwang kakainin si Daemon. Masaya namang nag uusap silang dalawa gayundin kami ni Marissa. Nang makarating kami sa apartment inihatid muna namin sila sa pintuan ng room. Nanunang pumasok si Mariella at sumilip pa kay Daemon para mag paalam habang ngumingiti. Si Daemon naman nagpaalam din gamit ang mala inosente ngunit demonyo niya palang ngiti. "Kuya mauna na ako sa itaas ah." bilin ng isang demonyong mapanlinlang. Sumunod na harapan kaming nag paalam ni Marissa. "Next time ulit Miguel, tsaka wag mo na iwan kapatid mo para atleast may kausap din si Mariella." sabi ni Marissa sakin. Hindi pa pumasok sa loob si Marissa dahil para bang binabalik-balikan pa namin ang pinag usapan kanina. Kasabay ng ngiti at tawa habang sasagot sa bawat tanong namin. Ganun pala ang pakiramdam ng napapalapit ka sa isang tao. "Ateeeee? Pasok na inaantok na ako!" sigaw ni Marissa mula sa loob. "Ayy sige Miguel nako, next time ulit ha? Goodnight" sabi ulit ni Marissa sakin na may matamis na ngiti. "Sge Marissa aakyat na din ako." sagot ko sa kanya. Isinara niya ang pintuan at umakyat na rin ako sa itaas. Pag bukas ko ng pintuan nag anyong demonyo na ulit si Daemon at hinihintay lang ako. "Oh? Anong kalokohan ang pumasok sa isipan mo't nag anyong tao ka bigla?" tanong ko sa kanya. Nagpaliwanag siya tungkol sa nangyari kanina.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...