I. Tikbalang sa Eskwelahan
Hi, ako si Gab, 20F tubong Samar, isang college student. Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami ay talagang may pagka-creepy sa Samar, lalo na kung nasa liblib na lugar kayo nakatira. Ika-nga nila, tahanan ng mga engkanto, maraming aswang, mangkukulam, atbp. Ikukuwento ko sa inyo yung experience ng Papa ko. Nung pandemic pa 'to, pina-kwento ko ulit sa kanya sa chat para maalala ko yung details.Yung lugar namin is liblib talaga. Mga 20-30 minutes away from town proper, Malapit na sa mga bundok at mga pasyalan kagaya ng Balantak Falls and Sohoton, search niyo nalang para may idea kayo. Nangyari 'to sa isang elementary school. Dun ako nag-aral before at masasabi kong hindi lang tao ang nandoon, maraming elemento. Yung classmate ko nung grade 6 sinaniban dun, tsaka yung classmate ng mama ko before.Yung pwesto ng school is pinaka-last sa maliit na sitio namin. Sa likod ng school ay kagubatan na, medyo hiwalay din siya sa mga kabahayan. Sa hindi kalayuan ay may cave na dating tourist spot kaso hindi na napupuntahan ngayon dahil napabayaan, ganun siya ka-greeny kumbaga. Tanaw rin yung iilang palayan ng mga nakatira dun. Pandemic nun, driver si Papa ko at galing siyang Manila that time. Since galing siyang Luzon ay ni-require ng barangay captain na mag-quarantine kahit naka-PPE sila that time at negative sa swab test. Marami silang naka-quarantine nun from Luzon mga 4-5 people, tig-isa-isa silang classroom na ini-stayhan, hinahatiran lang namin si Papa ng pagkain and other needs. Hindi lang si Papa ang nakakita nito, maging ang kasamahan niyang naka-quarantine ay nararadamdaman din daw yun. Parang nagmamanman daw, nagmamasid sa kanila. May kung anong gumagala sa eskwelahan pagpatak ng dilim. So yung room ng papa ko is second from the last classroom ng school, after nun malapit na yung gubat.Bandang alas onse ng gabi, half-sleep na nun si Papa. Bigla daw siyang nakalanghap ng hindi magandang amoy. Earthly scent daw, mabaho, pinikaramdaman niya yung paligid niya. Feeling niya raw may tumitingin sa kanya. Kaya nung minulat niya daw mata niya nagkatitigan sila. Mala-kabayo raw ang ulo nito, mabalbon, kulay itim, at ganun na lamang ang tindig ng balahibo ko nang mabanggit ni Papa na may kamay at braso raw itong kagaya ng tao, pero sobrang balbon lang.Sabi niya, "Baga kami hin nagkabuslungay, pagkita ko utro waray na hiya." Sa madaling salita, nagkatitigan daw sila pero nung kumurap ulit siya wala na. Sabi niya pa sa'kin siguro raw ay gusto daw siya nitong sakalin pero dahil sa amoy ay iminulat niya mata niya.
POST-PANDEMIC, 6PM. Nung second time encounter naman nun ni Papa is yung time na may kinuha sa school yung Mama ko. Teacher kasi yung Mama ko, magdidilim na nun kaya nagpasama siya kay Papa. May isang building sa school na two-story. Sila mama at papa lang yung tao nung time na yun dahil summer, may kinukuha lang yung Mama ko sa second floor. Nung paakyat silang hagdan, malinis pa yung baiting, normal lang. Nung tapos at pababa na sila, bigla silang kinilabutan. Yung hagdan maraming footprints ng hoof, parang kabayo or goat, basta medyo may kalakihan, at ang nakapagtataka pa ron ay maraming putik sa hagdan, may naamoy din silang mabaho. Dahil sa takot pinauna ni Mama si Papa, sabi ni Papa nung nasa last step na siya ng hagdan paglingon niya sa hallway may nahagip daw siyang kung anong hayop. Hindi na siya masyadong naaninag, ang sabi niya, basta kalahating-hayop raw pero tindig-tao.Pag-uwi nila sa bahay ikwinento nila sa'min, namumutla silang dalawa.II. Enchanted Places
Hi, ako na naman 'to, si Gab, from Samar. Di ko na sasabihin kung taga-saan (para sa mga nagtatanong). Entry ko lang dito yung mga pamahiin kapag pupunta ka sa mga lugar kagaya ng Sohoton or Balantak Falls. Search niyo nalang guys, para may idea kayo kung ano yung itsura. So, sa Samar meron kaming Golden River na tinatawag. Yung Golden River ay mahabang ilog na nagco-connect sa mga bara-baranggay. Dati kasi yung kalsada sa'min is mahirap i-navigate, bako-bako, at hindi pa semento nun. Mahirap siyang i-motor, talagang mapapamura ka dahil sa putik, o malalaking bato, kaya yung main transportation noon ay mga bangka. Yung Sohoton Natural Park, parang Palawan style rock formations, yung last barangay is Brgy. Mabini kung ina-navigate ang golden river. Maraming kumukuha doon ng bato, sands, at minsan tubig pang-inom. Malinis kasi yung tubig dun, kaya maraming locals ang nagpupunta para umigib kapag summer. Sabi ng mga matatanda, kapag naka-baluto ka raw or small kayak (na wooden), at mag-passed by ka dun tapos bigla kang may narinig na humuhuni, or nagtatambol tapos sabayan pa ng chirping birds na para bang music, kailangan mo daw sayawan. Sasayaw ka daw dapat hanggang matapos yung mga tunog, kasi sila daw yun, mga nakatira sa lugar na yun na hindi natin nakikita. Kapag hindi ka daw sumunod ay baka itaob nila yung maliit na bangka mo. Tapos, isa sa mga paniniwala is hindi ka dapat natutulog dun. I have a friend, lalaki, nito lang nangyari 'to. Hindi naman siya natulog, pero parang humiga siya sa mga bato at nagtalukbong sa mukha niya para pumikit. Ilang saglit yun, siguro mga 15 minutes. Tapos nun, okay normal lang, sayahan ulit yung barkada. Pagka-uwi niya, natulog raw siya. Binangungot daw siya, kuwento niya sa'kin, sa second na sapa ng Sohoton, malapit sa malaking baging, may humihila daw sa paa niya. Sigaw siya nang sigaw sa'min tulong, pero di namin siya marinig. Yung humihila daw sa paa niya isang bata, nung titigan niya raw ito wala itong mata at itim lang ang nakikita. Kapag dayo ka sa mga gantong lugar, dapat rin ay nagtatabi-tabi ka. Hindi ka kasi nila kilala. Bawal ang masyadong maingay baka may maaksidente sa inyo, o baka paglaruan pa kayo ng mga engkanto. Bawal ang sobrang tahimik dun, baka naman kaibiganin ka. Yung may mga mahahabang buhok din, kailangang itali, nahuhumaling kasi minsan ang ilang lamang-lupa roon. At higit sa lahat, magdasal at humingi ng gabay bago umalis ng bahay.Ps. Kapag hindi na ako busy ikukuwento ko mga creepy experiences ko/mga kakilala ko dito.
III. Bangkay sa Lamay
Hi, ako na naman 'to si Gab from Samar. Dami ko gustong i-kwento pero sobrang busy lang talaga ako ngayon kaya di ko maisulat pa. Nagbabasa rin ako ng comments niyo, at may namention dun about sa namatay sa may Falls. Ikukuwento ko sa susunod kapag nagkasama na kami ng kaibigan kong nagttrabaho sa tourism, siya kasi may alam nun eh. So eto na nga, 18 years palang ako ng mangyari to. Kakamatay lang ni Nanay Edna, asawa ng kapatid ng lolo ko. May sakit yun sa tiyan, hindi na naipagamot, nangayayat at hindi na kinaya ng katawan. Pumunta kami nun nung first cousin kong si Joy sa lamay, pang-ikalawang gabi na nun. Hindi kalayuan ang bahay, mga 3-5 minutes na lakad mula sa'min.Maraming tao, maraming nagsusugal, at mga relatives na nandun nagku-kuwentuhan. Almost 3-4 hours kaming nandun ni Joy kasama pa ang iba naming mga pinsan at kamag-anak. Naglaro kami ng baraha, ng bingo, at nakipagkuwentuhan. Nung pauwi na kami, nakaramdam kami ng kakaiba. Kasabay kaming umuwi ni Joy nun, at nang matapat kami sa bahay kung nasan yung apat naming aso eh tahol sila nang tahol sa likuran namin. Habang papalapit kami sa pintuan nag bahay, mas lalo silang tumatahol. Palakas nang palakas nang palakas, parang hindi mapakali at nakabaling lang sa isang direksyon— sa likod. Bigla kaming nakaramdam ng kilabot. Tumayo yung mga balahibo ko sa batok at naghurumentado yung dibdib ko. Nakaramdam na din kami ng kakaiba, na parang may nakasunod samin at nakatitig.Kinabahan kami ni Joy, kaya agad kong pinihit yung doorknob pero ayaw magbukas! Pinihit ko nang pinihit kahit kabang-kaba na kami nun pero ayaw talaga."Ate dalian mo!" yun nalang ang nasasabi ni Joy na aligaga na rin. Patagal nang patagal, mas lalong lumakas yung tahol ng apat na aso namin. Dalawa kami ni Joy na nagtulungan sa doorknob, at instinctly nung hindi talaga namin mabukas lumingon kami sa may kaliwa namin tapos pareho kami sumigaw sa nakita namin.Yung bangkay sa lamay, yung pinaglalamayan! Kisapmata lang yun pero malinaw sa'ming dalawa na may entity kaming nakita. Bangkay, nakatayo, naagnas, pero parang malabo yung mukha, kulay brown yung balat. Nakasuot ng bestidang puti, naagnas yung buhok at sobrang payat. Kaagad kaming kumaripas ng takbo papuntang katabing bahay, bahay ng lola ko at dali-dali naming binuksan yung pinto habang tawag kami nang tawag. "Nay!!! Nayyy!!!" Nung nasa loob na kami nila Nanay. Nag-usap kami ni Joy. "Nakita mo rin ba yun?" tanong ko."Oo dai," naisagot niya lang habang hinihingal.Kinabukasan, kinuwento namin yun sa lola namin at kay tita. Di ko alam matatawa ba kami o ano. Nakapagdala kasi kami ng SKYFLAKES at KENDI galing sa lamay. Pinagalitan kami bakit daw di namin kinain dun.
—GAB, 20F—GAB, 20F
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...