Music Box (Parts 1-3)

20 1 0
                                    


Part 1

•Starting Voice Record•

Hi ! Ako nga pala si Charlene. 36 years old single mom at naka tira sa Mindanao. Isa po akong OFW dati at kasalukuyang nag nenegosyo ng mga ukay-ukay. Ibabahagi ko po ang kwentong tumatak sa aking isipan na hanggang ngayo'y dinadalaw parin ako ng di maipaliwanag na nilalang sa aking panaginip. Sampung taon ang nakakalipas. Matapos na ako'y manganak ay nagdadalamhati ako sapagkat walang ama ang naging anak ko. Tinakasan ng lalaking minahal ko ang responsibilidad nyang maging ama kaya ngayo'y nagluluksa ako. Ang ama kase ng anak kong si Tyrone ay isang Seaman. Inakala kong isa syang binata ngunit kasal pala sya at may pamilya na. Nalaman ko nalang ito noong nag message ako sa kanya na manganganak na ako at ang inakala kong sya ang tumawag, iyon pala ay ang tunay nyang asawa. Hindi naman ako inaway, sapagkat kinamusta lang ako at mukhang naawa pa ito sa akin. Mabait naman ang asawa ng tatay ni Tyrone dahil sya ang mismong gumastos sa panganganak ko, pati narin sa mga kagamitan nito. Kada buwan ay nagpapadala naman sakin ng pera para sa bata. Maka raan ang apat na taon ay nagpasya ako na mag hanap na ng trabaho. Marami na kaseng bayarin sa bahay at hindi na makapag trabaho ang Nanay at Tatay sapagkat may dinadamdam na ito. Naisip ko na, habang lumalaki ang anak ko ay palaki na rin ng palaki ang kinakailangan kong pera para matugunan ko ang mga pangangailangan nya. May bestfriend akong babae na nag ngangalang Clarize. Si Clarize ay isang OFW mula sa Singapore at nagtatrabaho doon bilang Caregiver. Bigla syang nag message sakin sa facebook at kinamusta ako. Nag video call narin kami noon via Skype para makausap namin ang isa't isa. Ag kwentuhan kami tungkol sa naging buhay nya doon sa ibang bansa. Marami syang nai-kwento sakin at talaga namang nakaka inggit din sya dahil nakapag tayo na sya ng sarili nyang bahay, natugunan nya ang pangangailangan ng anak nya at ngayoy plano nyang mag tayo ng tindahan. Apat na taon na syang caregiver at kada dalawang taon ang uwi nya. "Pag uwi ko jan bessy pasyal tayo ha? Miss na miss na kita bessy tagal na nating di nag bonding." Ani ni Clarize sakin. "Oo naman syempre ililibre mo pa ako." Sagot ko naman sa kanya. At nag patuloy kami sa pakikipag kwentuhan tungkol sa buhay nya, at sa akin narin. May 22, 2014 ng maka uwi si Clarize ay agad na bumisita sya sa bahay na may dalang mga tsokolate, damit, at mga bag. Pagkatapos ay ipinasyal nya ako sa Mall at pinamili nya rin ako ng mga gamit ng anak ko, relief goods at gatas ng anak ko. Pagkatapos ng pamamasyal namin ay hinatid nya ako sa bahay at nag usap kami. "Bess salamat ha? Nako hindi ko alam pano kita mababayaran sa lahat ng ginawa mo." Ani ko sa kanya. "Nakooo! Ikaw talaga okay lang yan. Ikaw naman parang hindi kita BFF. Keysa naman sa ibang tao ang nilibre ko." Sabi naman ni Clarize sakin. Sa hindi inaasahan inaya ako ni Clarize na mag trabaho sa ibang bansa. Nagulat ako sa naging offer nya kaya naman tinanong ko sya ung bakit. Sabi nya kailangan pa raw ng amo nya ng isa pang kasambahay. "Nako bess, ehh wala akong pera, tsaka wala din akong experience sa pag aabroad." Sagot ko sa kanya. "Nako bess wag kang mag aalala. Simula bukas aasikasuhin natin ang mga papeles mo. Tsaka, walang problema dun bess di naman alupit amo natin dun. Mabait si Madam Blaire at isa pa hindi ka naman nag-iisa doon, marami kayo." Sagot naman ni Clarize sakin at pagkatapos namin mag usap ay nag paalam sya. "Pag isipan mong mabuti bess, para to sa kapakanan ng anak mo." Sabi ni Clarize sabay talikod at nag paalam na rin ako. Hindi ako maka tulog dahil sa naging alok nya. Pinag isipan ko talagang mabuti kung ano ang mas matimbang sa akin. Kaya naman kinabukasan, tinawagan ko si Clarize na bisitahin ako sa bahay. At nang maka rating sya ay agad na sumang-ayon ako sa naging alok nya kaya naman maka raan ang tatlong buwan na pag aasikaso namin ng mga papeles ko ay dumating na ang panahon na lilisan na ako. Pansamantalang hindi muna makakabalik si Clarize sa ibang bansa dahil ani nya'y namimiss nya ang pamilya nya. Hinatid ako ng Nanay at Tatay kasama na ang anak ko at si Clarize sa Airport. "Mag iingaat ka doon anak ha? Tumawag ka sa amin pag maka lugar ka." Tugon ni Nanay sakin. "Bess, pag punta mo ng maynila tumawag ka agad sakin. Kukunin ka agad ng Agency ko at sila na ang mag g'guide sayo ha?" Ani naman ni Clarize sakin. Nang maka rating ako sa maynila at matapos ang iilan pang proseso ay nakalipad na ako patungong Singapore. Pagkarating ko doon sinundo ako ng Ahensyang nag guide sa akin at doon sa opisina nila sinundo ako ng amo ko na ang pangalan ay si Madam Blaire. Pagkatapos ay sumakay kami sa napakagarang kotse nya at nag tungo kami sa bahay nya. Nang makarating kami namangha ako dahil mala palasyo ang laki ng bahay. Pag pasok mo talaga doon napakaraming makalumang bagay at mukhang mamahalin. Ngunit tila ba kakaiba ang pakiramdam ko. Wala namang taong sumalubong sa amin at wala akong naaninag na kasambahay ngunit parang may naka titig sakin. Pag pasok namin sa kusina ipinakilala ako ni Madam sa dalawang pinay na kusinera. Sila si Shiela at Idang. Si Shiela ay taga Cavite at si Idang naman ay mula sa Cebu. Napakabait at madaldal sila pareho at matutuwa ka sa kanila. Umakyat kami sa ikalawang palapag at ipinakilala nya ako sa isa pang pinay na si Roshel, isang Taiwanese na si Anika, ang Nigerian na si Tamina at ang Vietnamese na si Kelly. Pito kaming nagtatrabaho sa loob ng bahay. Apat kaming pinay, isang Taiwanese, Vietnamese at isang Nigeran. Si Anika naman ay tagapag bantay sa isang taon na anak ni Madam Blaire. Si Tamina ay na asign na taga linis sa kwarto ni Madam Blaire. Si Kelly naman ay sa ibaba at si Roshel ay tagapag alaga sa Nanay ni Madam Blair na si Lola Pepper at sya ring pansamantalang pumalit sa BFF kong si Clarize. Nag simula agad akong mag linis dahil may mga naka lagay na schedule naman sa ibaba ay yung ang sinusunod namin. Bale papalit palit lang kami ni Tamina, Kelly, at Anika. Mababait naman silang lahat at nag b'bonding din kami kapag may outing kaming lahat. Nag k'kwentuhan kami sa bawat buhay namin at masaya kami na parang magbabarkada lang. Byernes nun, inutusan ako ni Madam Blaire na pumunta roon sa kwarto ni Lola Pepper para mag linis doon dahil maalikabok na. Habang lumabas naman mula sa kwarto si Roshel kasama si Lola Pepper na naka sakay sa Wheelchair. Ngayon ko lang napansin na kakaiba pala ang itchura ni Lola Pepper. Sa kanang mukha nya para mag kung anong maitim na pasa na bumabalot sa buong kanang mukha nya pababa sa leeg nya. Pag pasok ko sa kwarto tila ba kinilabutan ako. Sobrang dilim ng kwarto, walang ka liwa liwanag at mukhang may nararamdaman akong kakaiba. Pinindot ko ang switch ng ilaw at tila ba nagtaka ako sa mga nakikita ko sa buong kwarto. Mahilig talaga sa mga ma antigong kagamitan. Makikita mo sa loob ng kwarto ang makalumang lamesa na may Music Box na nakalapag, upuan, kabinet, higaan, paintings, at isang napaka weirdo'ng Salamin ngunit nakaka akit tignan. Nag simula na akong mag linis, mula sa mga nagkalat na mga papel, damit, at mga alikabok sa paligid. Halos hindi ako maka hinga dahil sa sobrang alikabok at walang hangin na pumapasok sa kwarto. Kaya naman pinatay ko ang ilaw at binuksan ko ang bintana. Nakikita ko sa labas na naka tulala lang si Lola Pepper at mukhang nagpapahangin. Malapit na akong matapos, kaya lang masakit sa mata ang sinag ng araw na tumatama sa salamin. Kaya naman tinakpan ko ito ng tela. Sa kalagitnaan ng pamumunas ng mga alikabok mula sa mga kagamitan sa loob ng kwarto tila ba may napansin ako. May mga bakas ng kamay akong napansin mula sa ilalim ng kama patungo sa salamin. Maputik ito at mukhang bago pa dahil ngayon ko lang napansin yun sa pag lilibot ko sa kwarto. Natanggal ang tela na tinakip ko at punong puno ng bakas ng kamay ang salamin. Nanginginig ako sa takot habang pinunasan ko ang salamin ng mabilisan. Pagkatapos ay sunod na pinunasan ko ang sahig na may mga bakas ng kamay patungo sa ilalim ng kama. Habang naka yuko akong papalapit sa ilalim ng kama tila ba parang naninigas ang lalamunan ko. Panay ang pag patak ng pawis ko at nanginginig bawat parte ng katawan ko. Habang naka dapa ako at pilit na pinupunasan ang mga putik ay may marinig akong parang may dahan-dahan na bumukas sa pintuan at pagkatapos ay tumunog ang music box na naka lapag sa lamesa. Tinapangan ko ang sarili ko kaya naman tumayo agad ako at tinignan kung may pumasok bang tao ngunit wala naman. Dahan-dahan akong nag lakad patungo sa music box na iyon at pagkatapos ay pinatay ito. Biglang may pumasok na hangin mula sa kwarto at nahagip ng binti ko ang tela na na itinakip ko sa Salamin na may putik. Nang pinulot ko ito ay agad na inilagay ko ito sa basket na lalagyan ng mga lalabhan ko. Tila ba parang may tumawag sa pangalan ko. Ng lumingon ako ay nakita ko ang sarili ko sa isang kakaibang salamin. Dahan-dahan akong lumapit at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Tila ba parang may tumutulak sakin na lumapit ako sa salamin habang dilat lang ang mga mata ko. Kusa nalang umangat ang kaliwang kamay ko ng dahan-dahan at gustong hawakan ang salamin. Ng biglang bumukas ang pintuan at naaninag ko sa salamin si Lola Pepper at mukhang galit na galit sakin. "Huwag mong hawakan ang salamin na yan!!" Sigaw nya habang napa lingon ako sa kanya. Galit na galit sya sakin habang takit na takot ako sa kanya dahil panay ang pag sisigaw nya. Nag iiba ang boses nya na para bang kakaiba. Tumakbo sa papunta sa deriksyon ko at sinakal nya ako habang nag sisigaw ako. Pulang pula ang mga mata nya habang may tumatagas na itim na likido mula sa ilong at bibig nya. Nagmamakaawa ako sa kanya na bitawan ako. Gamit ang kanang kamay nya na may mga matutulis na itim na kuko ay sinugatan nya pisngi ko habang nagdurugo ito. Naka rinig nalang ako ng boses ta tumatawag sa pangalan ko habang ipinikit ko ang mga mata ko. "Cha gumising ka! Charlene!" At ng makagising ako ay si Roshel pala ang kaharap ko. Sya pala ang lumapit sakin at hinihimas ang mukha ko dahil nanginginig at sigaw daw ako ng sigaw. "Ano ba ang nagyayari sayo Cha?" Tanong ni Roshel sakin. "Si Lola, si Lola Pepper sinugatan nya mukha ko habang sinasakal ako." Sagot ko sa kanya. "Charlene, si Lola nasa baba nagpapahangin lang. Ayan sya oh tignan mo." Ani ni Roshel sakin at ng tumingin ako sa baba mula sa bintana ay naka upo lang naman si Lola Pepper. Bumaba kami ni Roshel at nag tungo sa kusina at pina inom nila ako ng tsaa. Ikinwento ko sa kanila ang nangyari. Nag tinginan lang sila sakin at hindi makapag salita. Naka ramdam nalang ako ng mahapdi sa pisingi ko kaya naman hinawakan ko ito. Nang mag taka ako ay tinignan ko ang mukha ko mula sa screen ng cellphone ko at nagulat nalang ako ng makita kong may sugat ang pisingi ko. Nasindak silang lahat dahil may unti-unting tumutulomh itim na dugo mula sa sugat sa mukha ko.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now