It's not the House that's Haunted (Parts 1 & 2)

52 5 0
                                    


Part 1

Hello spookify! May kwento nanaman ako, umay saken!HAHA :< Isinama ako ni mama somewhere in Bulacan, well actually pinilit ko lang talaga si mama nun na pasamahin ako kahit ayaw nya naman talaga. Pero sa huli'y nagtagumpay akong mapapayag si mama gamit ang pinagbabawal na technique—puppy eyes with pouty lips. Lol, haha(gawain ko noon kapag may ipi-please HAHA yawa kahihiyan). First time kong makapunta doon kaya excited ng pa-beri light ang ate mo Kira. Ayaw sabihin ni mama noon kung anong purpose bakit pinapunta sya ni lola Mandy(tiyahin ng tatay ko) sa bahay nito sa Bulacan.Going on to the main point of this story, na-meet ko for the first time si lola Mandy at ang unico-hijo nito na si kuya Nicky, isang half pinoy, half-american. American citizen kase ang dating asawa ni lola Mandy at ngayo'y divorced na sila. The first time that I met them, ramdam kong may "kakaiba". Unang tinitingnan ko kase kapag may nakikilala o nasasalubong akong tao ay ang mga mata nito or mga kuko sa paa. As I stare at lola's eyes, pakiramdam ko'y ang bigat ng kanyang problema dahil sumasalamin ito sa kakaibang pungay na kanyang mga mata.Bakas na ang katandaan sa kanyang mukha at halos sakupin na ng kulay puting buhok ang kanyang ulo. Gayunpaman ay banaag parin ang kagandahang taglay ni lola noong kabataan pa nito. Pero mas "weird" ang naramdaman ko kay kuya Nicky. Hindi ito makatitig ng direkta sa amin ni mama, bagamat nakabibighani ang kulay gray nitong mga mata, na pinaparesan ng malagong kilay at mahahabang pilik. Palipat-lipat ang tingin nito sa paligid na para bang nakikiramdam, at kapag titingin ito sa aki'y hindi sa mata ko tumatama ang kanyang paningin, kundi sa aking likuran. Nangilabot ako lalo pa nang tingnan ko ang kanyang mga kuko sa paa. Tila-anak araw ang kulay ng kutis ni kuya Nicky dahil sa may dugo itong banyaga, pero hindi kaaya-aya ang nangingitim at mahahaba nitong kuko sa paa. Na kung titingnan ay malayong-malayo sa normal na kuko ng normal na tao dahil parang manas ang kanyang mga daliri at nangingitim ang dulo.—Kumakain kaming apat sa hapag, abala sila mama at lola Mandy sa pag-uusap habang ako'y pasimpleng nagmamatyag kay kuya Nicky dahil nga nawiwirduhan ako sakanya. I used to know him sa mga kwento sa amin ni tatay na matalinong bata si kuya Nicky noon. Tahimik syang kumakain pero natatapon ang mga butil ng pagkain, aakalain mong dalawang taong gulang kung kumain(he was 27 that time). Maya-maya pa'y bigla syang huminto sa pagsubo at matagal na nakayuko lamang. Hanggang sa bigla itong tumayo kaya natabig ang baso at natapon ang laman nito. Gulat na gulat ako noon dahil magkaharap kami sa mesa. "HARINAWA! DYABLO!" hindi ko malilimutan ang salitang yan na malakas nyang binitawan sa harap namin habang pinanggugulatan kami ng mata. Napahawak ako sa braso ni mama sa sobrang pagkabigla, dahil hindi ko alam kung ako ba ang sinisigawan ni kuya Nicky. Inalo sya ni lola pero mabilis na lumakad palayo si kuya Nicky at umakyat sa ikalawang palapag, nagkatitigan sila mama at lola. Naiwan akong tila nalaglag sa sahig ang panga dahil sa pagkabigla sa kanyang mga inasta, pero nang tingnan ko si mama ay parang normal na sakanya ang nakita. Ganun din si lola. What's happening?—Around 3pm mag-isa ako sa kwarto dahil may pinag-uusapan pa sila mama at lola sa balkonahe. Nakadapa ako non sa kama habang nagbabasa ng dinala kong "manga"(anime comics). Naalala ko nanaman si kuya Nicky, kinilabutan ako sa turan nya kanina sa hapag.Itinuloy ko ang pagbabasa, maya-maya pa'y naramdaman kong tila umiiba ang lamig sa loob ng silid. Hanggang sa masagi ng aking peripheral vision ang puting tela na mabilis na dumaan sa nakabukas na pinto ng kwarto. Nagsimula na akong kabahan, hindi na bago sa akin ang kababalaghan dahil isa sa na-experience ko noon ay ang kababalaghan sa bahay nila Efraim (if you have read my previous story "heredity or obsession"). Napabangon ako bigla at dahan-dahang tinungo ang pinto. Sinilip ko ang labas ng kwarto pero wala akong nakita, but still naroon parin sa akin ang mabigat na pakiramdam sa paligid. Naisip kong puntahan sila mama sa balkonahe dahil nagtatayuan talaga ang mga balahibo ko. I step-back papasok sa kwarto para kunin ang iniwan kong manga comics, right after nang damputin ko ang libro ay hinangin ang kurtinang abot sa sahig ang laylayan. Natigilan ako at napalunok, how come na hahanginin yun na parang tinapatan ng bentilador? Sarado ang sliding window at walang nakapapasok na hangin sa loob. I saw something.—Hindi ako makatulog hindi lang dahil sa namamahay ako, kundi dahil sa nakita ko kanina. Mahimbing na ang tulog ni mama sa tabi ko. Bumangon ako para mag-cr, sobrang tahimik ng paligid kaya nakadagdag kilabot ang tik-tak ng lumang orasan. Dumerecho na'ko sa cr at hinawakan ang doorknob. I was about to open it nang makarinig ako ng mga yabag na bumababa sa hagdan. Malakas ang lagutok ng takong ng sapatos sa kahoy na hagdan, I turn-around to face the stair at abangan kung sinong bababa, baka si lola lang yun. Hindi ko kase makita dahil madilim sa parteng hagdan, pero biglang tumigil ang steps sa kalagitnaan.'Di ko alam kung matapang ba akong matatawag o sadyang pakealamin dahil sinadya ko pang pumunta sa hagdan at siguruhin ang narinig ko. "lola Mandy?" pagtawag ko pero sadyang may kadiliman lalo na sa pinakataas na parte. At kainaman ko din naman, nakuha ko pang umakyat (wala kang kadalaan sa buhay Kira). Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan, nang biglang may malamig na tila humawak sa braso ko kaya agad akong napabitaw sa stair railing. Kasabay noon ang... "saan ka pupunta?" mabilis kong nilingon ang pinagmulan ng boses. Si kuya Nicky, nakatayo sa ibaba ng hagdan holding a black book. Kabang-kaba ako that time (hanggang ngayon while typing, my hands were trembling). Nagtataka lang ako bakit sya naroon nang 'di ko namalayan. Hindi ako agad nakasagot dahil naging abala ang mga mata kong pagmasdan sya, hindi lang dahil nabigla ako sakanya.Wala akong ginagawa pero nag-umpisa na akong hingalin. "ah..wala po kuya, akala ko kase bababa po si lola" parang wala sa sarili kong sagot dahil sa nakikita ko.Napasiksik ako sa tabi nang humakbang paakyat si kuya Nicky. Huminto sya sa nang tumapat sa akin at nilingon ako. He gave me a half smile at sinabi "gusto mo bang basahin ang librong 'to?" tinutukoy nya ang librong hawak nya. I wanted to answer yes, oo gustong gusto ko pero ang lumabas sa bibig ko'y "salamat po kuya. Maybe next time" at tumuloy na sya sa pag-akyat na parang walang nangyare.Nanatili parin ako doon sa hagdan, wondering. Who the hell is "she"? —Pauuwi na kami ni mama nang araw na yun, pero hindi ko parin talaga nalalaman kung bakit nga ba kami pumunta doon. Pero bago yun, hindi talaga matatahimik ang kaluluwa ko sa mga nakikita't nararamdaman ko kaya nagtanong ako kay lola para masagot ko na ang sarili ko. Tinaon kong wala sa paligid si kuya Nicky. Tinanong ko ang lahat ng tanong na posibleng katanungan nyo rin ngayon sa isip nyo. "hindi baliw ang anak ko" sambit ni lola. Aware sya at ganun din sa mama na may kakaiba nga kay kuya Nicky. Dati na nila itong pinatingin sa isang psychiatrist pero ang tanging sinabi nito kay lola ay "hindi baliw ang anak n'yo misis. In fact, mas matalino pa sya sa akin. Ibinabalik nya ang mga katanungan ko sakanya which made me speechless. He don't need medical help misis. Maybe you should consult a paranormal expert" pagkukwento ni lola na sinabi ito sakanya mismo ng psychiatrist. Just to give you a background information, kuya Nicky graduated law sa isang sikat na unibersidad dito sa Pilipinas. Nag-aral pa sya ng ibang kurso sa America noong doon pa sila naninirahan. Pagkatapos ay bigla syang nag-aral ng kursong may kinalaman sa pagpapastor. Bumibili ito ng sandamakmak na libro, encyclopedia, biblical and science books mula sa ibang bansa. Sabi ni lola, kahon-kahon na ang mga libro ni kuya Nicky sa kwarto. Hindi ko yun nakita dahil binawalan nya kaming pumasok sa kwarto nito. Hindi ko maiwasang matakot, mamangha, mag-alala at malungkot. Naisip ko tuloy, bakit ba halos lahat ng mga taong nakikilala ko ay mahiwaga at malimit na iba ang takbo ng mga utak? Si Yumi, my bestfriend na ikinuwento ko narin noon dito ("Bes, hindi ako baliw" yung title). Si Efraim na ganitong-ganito rin gaya kay kuya Nicky, at ngayon nga'y si kuya Nicky mismo, na sarili kong kadugo. Pero kahit na ganun, ito lang ang masasabi ko.I AM BEYOND BLESSED THAT I HAVE THESE PERSONS IN MY LIFE. Nagpatuloy si lola sa pagkwento nang bigla itong napatingin sa braso ko at nanlaki ang mga mata. "Diyos ko hija napano ka?" sabay maingat na hinawakan ang braso ko. Nataranta naman si mama. "napano ka anak?""po?" nagugulumihanan kong sambit sakanila kaya tiningnan ko ang braso ko. May malaki akong pasa.
Ps. Thank you po sa mga admins, thankyou rin sa mga nagsasabing inaabangan ako este stories ko :'<

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now