Hi readers, napapadalas ang pagsesend ko ng mga kwentong katatakutan ko nitong mga nakakaraang araw. Wala kasi akong trabaho at waiting pa sa training ko kaya ito muna ang pampalipas oras ko. Salamat din sa mga admins dahil napopost nila ang mga kwento ko. Pagpasensyahan nyo na. Mahabahaba itong kwento ko para isang bagsakan na lang. Salamat din nga pala mga readers sa magandang feedback nyo sa kwento kong "Ate Matagal Ka Pa Ba?"Taong 2015 ng magtrabaho ako sa isa sa mga call center sa Eastwood, hindi ko na lang sasabihin kung anong building at kung anong company pero katapat nito yung Palazzo Residence at malapit sa chapel. Isang Sabado ng gabi, nasa 9th floor ang production area namin non dahil konti lang kaming may pasok. Maliit lang yung production area sa floor na yon at yung malaking production floor ay nasa 10th floor. Kung hindi ako nagkakamali, may apat na team sa account na yon, yung dalawang team ang pasok ay Mon-Fri at yung dalawang team naman ay Tue-Sat. Nagkataon na yung team namin ang kailangang pumasok ng Saturday ng gabi kasama yung ibang team. Sales account yung account namin. Matumal talaga kapag Sabado dahil nga walang sumasagot na mga kano kapag ganung araw. Nakabreak kami non ng magsimulang magtakutan. Ang dilim kasi sa hallway dahil nga kami lang yung may pasok tapos yung production floor ay nasa pinakadulo ng hallway. Syempre kanya kanya na ng kwento about sa mga karanasan nila. Sumali sa kwentuhan si Kuya Je, mas nauna sya ng ilang buwan sa akin sa kumpanyang iyon at masasabi kong yung kwento nya ay nakakatakot and at the same time ay nakakalungkot. Di ko na matandaan yung pangalan nung kaibigan nya. Sabi ni Kuya Je, naging ka-close nya tong guy. Mabait daw, sobrang responsable at mahal na mahal nito ang trabaho. Sabi pa nga daw nito sa kanya na kapag nakuha na nila yung unang sweldo nila, ililibre nya yung mama nya sa spa. Last day na nila sa training at sasabihin na kung nakapasa ba sila o hindi. Nagtaka daw si Kuya Je kung bakit late yung lalaki na never namang nangyari hanggang sa sabihin ng trainer nila na wala na daw ito. Hindi na daw nagising. Binangungot ata. Nagulat ang lahat at nalungkot pero sa call center naman laging tuloy pa rin ang buhay. Nasa training room sila ng pumasok yung HR. Tumayo daw ito sa harapan at binibilang sila. Paulit ulit daw sila nitong binibilang na para bang may mali. Nagtanong daw ito sa kanila kung fourteen ba sila sa klase pero ang sabi nila ay thirteen na lang. Nagbilang daw ulit yung HR at ganun pa din yung bilang nya, fourteen pa din. Nagtanong daw yung HR kung talaga bang thirteen lang sila . Sumagot daw yung isa sa kanila na originally fourteen sila sa klase pero namatay yung isa kaninang umaga. Natigalgal daw yung HR at agad na umalis. Sabi nung trainer nila kinabukasan, natakot daw yung HR kasi kahit ano daw bilang nya, fourteen daw talaga ang headcount. Sabi ni Kuya Je, baka daw that time hindi pa nito tanggap na wala na sya or baka hindi pa nya alam na patay na sya. May isa pa akong kwento sa parehong call center. May katrabaho kami na nadiagnose ng cancer. Nagresign sya para daw magpa-chemo therapy pero sa kasamaang palad hindi nagtagal namatay din sya. Nasabi yun ng isa sa mga TL sa amin at niyaya kami na pumunta sa lamay nya. Kinagabihan, pinatawag yung mga TL ng OM kasama yung isa sa mga workforce. Nagkakagulo ata sa data. Nagla-lunch kami ng mga kabarkada ko ng makita namin yung isa sa mga TL kaya niyaya namin sya na samahan kaming kumain. Nagkwento ito. Nagreport daw yung workforce sa OM namin dahil alas tres na daw ng hapon may nagko-calls pa. Nakabenta pa nga daw pero bawal kasi yon dahil bukod sa ang pasok namin ay hanggang alas nueve lang ng umaga, eh alas tres pa lang din ng madaling araw sa US. Tulog pa ang mga kano. Sabi ng TL namin, chineck nila yung recording pero hindi nila maintindihan, muffle daw o di kaya static pero legit daw talaga na nakabenta. Pero ang mas nakakabigla eh nung i-check nila yung log in # sa Avaya. It turns out na yung log in # ay nakarehistro sa katrabaho namin na kamamatay lang. Grabe talaga yung kilabot namin that time pero atleast diba, nakatulong sya sa quota namin.This story naman ay galing sa ikalawang call center company na napasukan ko. Walang masyadong call kaya may time kami para magdaldalan ng nagtatatakbo pabalik sa station nya yung isa sa mga kateam ko. Muntik na syang ma-over break. Sabi pa nya "Hayop, muntik na kong ma-OB dahil sa mumo na yon." Syempre all ears kami. Katatakutan eh. Sabi nung kateam ko na pabalik na daw sya from her 15 mins break pero naisipan muna nyang pumunta ng CR para umihi. Mahaba daw ang pila kasi nga iisa lang yung CR sa floor namin na may dalawang cubicle lang tapos nagkataon na out of order pa yung isa. Pangatlo sya sa pila ng may babae daw na may mahabang buhok ang dirediretsong pumasok sa loob ng cubicle. Hindi daw pumila. Kumbaga after daw gumamit ng CR nung nasa loob, sya agad yung pumalit. Hinayaan na lang daw nung dapat kasunod nung lumabas. Ang nasa isip nila baka kailangang kailangan na talaga nung babae gumamit ng CR pero halos limang minuto na daw di pa din lumalabas yung babae. Kinakatok na nila kasi nga yung iba nakabreak lang pero hindi daw sumasagot yung babae. Yung iba nga daw umalis na sa pila. Lumabas daw yung isa sa nakapila at nagreport sa guard kasi baka may nangyari na dun sa babae. Kinatok na daw nung guard pero di pa din sumasagot yung nasa loob. Sinabihan na lang sya ng guard na bubuksan na lang nya yung cubicle. Pero nung akmang ipapasok na nung guard yung susi sa keyhole bigla na lang itong nagbukas ng kusa at ang nakakatakot pa, walang tao sa loob. Nagkatinginan silang lahat at napatanong sa isa't isa kung nasaan na yung babae. Sigurado daw sila na hindi lang yun malikmata dahil lahat sila nakakita kahit yung guard nakita din daw yung babaeng pumasok sa loob ng CR.Kahit ako may horror experience din sa company na yon, tandang tanda ko pa. Umuulan non kaya sabi ko na magstay muna ako sa sleeping quarters kasi wala naman akong pasok kinagabihan at balak kong dun na lang muna matulog. Uuwi na lang ako kapag tumila na ang ulan. As expected malamig at madilim sa loob. Himalang walang tao sa loob. Nahiga ako sa isa sa lower deck na nasa pinakadulong bahagi ng kwarto. Nung matutulog na ako, nakarinig ako ng holen na bumabagsak sa sahig. Hindi ako makatulog dahil sa ingay. Tumagilid ako ng higa at dun ko narealize na sa ilalim ng higaan ko nangagaling yung tunog. Kinilabutan talaga ako. Lumabas na ako ng sleeping quarters. Nagtanong pa nga yung guard kung bakit ang bilis ko naman daw lumabas. Sabi ko may naglalaro ng holen sa ilalim ng higaan ko. Sabi lang nung guard, "Buti nga hindi nagpakita sayo." Itong experience naman na ito ay sa recent company na pinasukan ko. Wag kayong judger ha, hindi ako call center hopper. Slight lang. So ito na nga, Saturday non. Tatlo lang kaming may pasok. Back office team kami at gustong gusto ko talagang pumapasok ng Saturday. Pwede kasing gumamit ng phone, matulog, magdala ng food at kumain sa floor na hindi namin nagagawa during weekdays. Wala kasing mga boss o TL. Literal na kaming tatlo lang sa nagpakalaki laking floor. Bukod don madaming work kapag Monday kaya mas gusto kong naka rest day ng ganung araw. Okay naman nung gabing yon. Actually yun yung unang beses na papasok ako sa building na yon ng Saturday. Kakalipat lang kasi namin ng building at kagagawa lang non. Mga busy kami at pilit na tinatapos ng maaga yung trabaho namin para makagamit na ng phone or makatulog. Ang tahimik ng paligid ng biglang may tumunog na Avaya malapit sa aircon. Siguro mga sampung hakbang ang layo mula sa mga stations namin. Hindi na sana namin papansinin pero tumunog ulit. Sabi ko sa kasama ko na sagutin na nya tutal naman sya ang pinakamalapit. Ni loud speaker nya yung telepono. Yung taga building admin pala yung tumatawag, nagpa-follow up lang kung may pumunta na bang taga maintenance sa floor namin para buksan yung aircon. Nagkatinginan kaming tatlo. Sabi ng kasama ko na hindi naman kami tumawag para magpabukas ng aircon kasi nga malamig naman at parepareho kaming mga nakashort. Sabi nung admin, nakareceived daw sila ng tawag mula sa extension number na yon sya pa nga daw ang nakausap. Lalaki daw yung tumawag. Nagrerequest na buksan yung aircon. Buong gabi talagang tahimik lang kami. Walang kibuan. Ang nakakatakot pa, hindi ako nakapag out on time. Nag chat yung TL ko na gawin ko daw yung report bago umuwi. Naiwan akong magisa kasi nagmamadali na yung mga kasama kong umuwi siguro dahil sa takot. Sanay naman akong naiiwan o di kaya mag-isa sa floor sa luma naming building pero ewan ko ba. Iba talaga yung atmosphere dun sa bagong building na nilipatan namin. Parang may kasama kang iba. Sa huli hindi ko natapos yung report. Nakiusap ako sa TL ko na ipagawa na lang nya sa papasok ng Sunday shift yung report. Hindi na lang namin kinwento sa mga kateam namin yung nangyari dahil paniguradong tatakutin lang kami ng mga yon. Nang sumunod na Sabado, apat kaming may pasok. Yung isa naming kateam merong mga naiwang cases pa na need tapusin kaya pumasok sya ng Sabado kahit wala syang pasok. Tawagin na lang natin syang Ate Yen. Same same pa rin ng gabing yon. Nagpa music na lang kami para medyo maingay. Nung bandang alas kwatro, nagpaalam na si Ate Yen na uuwi na. Nagyaya naman yung mga kasama ko na lumabas muna para magkape. Sabi ko na mauna na sila at gagamit muna ako ng CR. Ako lang yung tao sa CR that time. Nakaupo ako sa inidoro ng marinig kong may pumasok sa loob at nagbukas ng gripo. Paglabas ko naabutan ko si Ate Yen na nakatulala sa salamin. Tinanong ko pa nga kung anong nangyari sa kanya. Sabi nya may tumawid daw na lalaki. Lumusot sa salamin. Panibagong katatakutan na naman. Sabi naman nya na parang napadaan lang. Naniniwala ako sa kanya. Alam kong hindi sya nananakot kasi wala naman sa personalidad nya ang manakot. Sya ang pinakatahimik sa mga kateam ko. Sabi nya bata pa lang sya nakakakita na sya ng mga multo, buti nga daw nung tumanda na sya hindi na sya nagkakasakit kapag nakakakita. Yun na yung huling beses na nagduty ako ng weekend. Di bale ng maraming ginagawa tuwing Lunes basta ayoko ng makaranas ng katatakutan. Sabi ng mga pumalit sakin maging sila daw may nararamdaman. One time pa nga daw yung isa sa kanila may nilapitan na lalaki. Nasa workforce area daw. Tinatanong daw nya about process pero tiningnan lang daw sya at hindi sya sinagot. Pinagtatawanan pa nga ng TL namin kasi bakit sa workforce sya nagtatanong ng process eh wala namang alam yon sa ginagawa namin tsaka paano daw magkaka workforce ng Sabado. Wala naman daw nagko-calls non. Yun lang naman kasi binabantayan nila. Sabi ng TL namin baka multo yung kinausap nya. Bukod don minsan nakakarinig sila ng nagtatype sa keyboard kahit wala namang ibang tao. Nung kasagsagan naman ng ECQ, isa ako sa nagskeletal workforce. Tumira ako sa office ng halos tatlong buwan. Expected na gabi kami gising. Saturday din non. Nanonood ako ng video sa youtube at nakaupo sa tabi ng bintana. Dumating yung dalawang taga kabilang team. Nagtatakutan. Nagkwento yung isa, galing daw silang pantry at dun dumaan sa may locker area. Dalawa kasi yung entrance papasok sa production floor. Kung sa locker area ka dadaan mas malayo kumpara sa entrance malapit sa CR. Nakapatay yung mga ilaw that time pero kahit papano may maaaninag ka naman dahil nasa 17th floor naman kami. Yung station daw nung isang TL nakabukas yung monitor tapos dun daw sa station nung TL may nakaupo. Kahit malayo pa sila, aninag daw talaga nya na may maliit na nakaupo dun sa station. Maliit lang yung TL na to, parang bata lang yung height. Akala daw nila yung TL. Kaya nga sa isip isip daw nila, Sabado ngayon pero bakit gumagawa ng report yung TL pero nung nandun na sila sa tapat ng PC, wala naman daw nakaupo. Sabi daw nya sa kasama nya na akala daw nya may nakaupo sa station nung TL. Same lang pala sila ng nakita nung kasama nya kaya nagkatakutan na. Hindi lang sila yung nakakita nung bata. Kahit yung ibang kasama namin na nakastay sa office.Hindi ko lang alam kung may mga nakakatakot na ganap ako sa lilipatan kong call center company pero once na meron, asahan nyong ishe-share ko to sa inyo mga readers.Aquarius 1995
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...