Journal 2

1.1K 11 2
                                    

Dear Diary,

Anong gagawin ko? Sinisingil na ko ng landlady ko pero wala akong pambayad.

Tatlong buwan na kong nakikiusap at alam kong mapapalayas na ko kapag di pa ko nagbayad ngayon.

Ay juskopo! Ayan na nga at kumakatok na siya. Sa lakas ng katok niya siguradong mamumula na ang kamao niya.

Anong gagawin ko diary? Wala talaga akong pambayad. Ang mga inaplyan ko kanina ay hindi pa rin tumatawag. Iba na kasi ang panahon ngayon, mahirap maghanap ng trabaho ang mga under graduate na katulad ko.

Magtatago lang ako ah. Saka na ulit tayo mag-usap.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon