Dear Diary,
Sorry at ngayon na lang ulit ako nakapagsulat. Sobrang naging busy kasi ako sa work at sa pag aayos ng credentials ko para sa pasukan.
Nakapag-enrol na ko at sa Monday na ang pasukan. Swak sa schedule ko ang kinuha ko. Alas sais lagi ang simula ng klaseng kinuha ko. Pinaka late ko ng uwe ang alas dies ng gabi.
Nag-ayang mag bar bukas si Marie kasama ng iba pa naming kaibigan. Hindi naman ako mahilig dun dahil mahal. ang kaso pinilit nila ako at treat na daw nila ako.
Inirapan ko nga sila dahil wala naman silang gagastusin sakin dahil hindi naman ako umiinom.
Sana hindi na nila ako pilitin pa bukas. Ayoko kasi talaga sa bar.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ЧиклитAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.