Dear Diary,
Nag-away kami. Oo nag-away kami. Paano ba naman inaway ba naman niya ang pinsan niya kanina. Sinabihan na wag na daw lalapit sakin kundi sesesantihin niya. Aba naman pinsan niya kaya yun at nagpapaturo lang naman ako sa accounting ko dahil quiz namin kanina.
He accused me of flirting with another guy. Oo crush ko si Sir Kade pero kahit kelan hindi ko siya nilandi.
Diary hanggang kwento lang ako ng kung anu-ano tungkol kay Sir Kade pero kahit kailan ay hindi ko siya nilandi. Kaibigan ko siya at sabi ko naman sayo dati pa na malayo ang estado namin sa buhay at imposibleng magugustuhan ako ng tulad niya. ng tulad nila ni Sir Paul. kaya nga nagtataka ako kung paano ako nagustuhan ng malanding antipatikong yun dahil kumpara sa mga babae niya. malayong malayo ako.
Pero yun nga diary, dahil sa pang-aakusa niya ng kalandian sakin ay nagkasagutan kami. May mga masasakit na salita akong nasabi kaya ayun nag-walk out siya.
Mag-isa akong pumasok sa school. hindi ako makapag concentrate at bumagsak ako sa quiz ko dahil siya ang iniisip ko.
Nalungkot ako ng paglabas ko ng room ko kanina ay wala siya. kahit ang mga classmate ko ay nagtaka dahil araw araw nandun si Sir Paul. Kilala na nga siya ng lahat pati ng mga professors ko. Isang buwan ba naman niya yung ginagawa.
kasalanan ko ba? eh wala naman kasi akong ginagawang masama! anong gagawin ko diary?
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.