Dear Diary,
Isang buwan na ang nakalipas mula ng lumipat ako dito sa mansyon. Dahil bago ako ay hindi ako pinapayagang maglinis sa taas ng bahay, hanggang sa baba lang ako at tulong sa kusina.
Hindi naman ako nagrereklamo at naiintindihan ko sila. Ayoko rin namang umakyat sa ikalawa at ikatlong palapag hanggat hindi ko pa nakikilala ang mga nakatira rito.
bukas na raw darating ang mag asawang amo namin kaya naman makikilala na nila ako.
Ilang beses na rin kasing napostpone ng napostpone ang uwe nila, pero bukas daw ay sure na sure na.
Kinakabahan ako sa mangyayare bukas lalo na at mabilisang paghahanda ang gagawin naming mga kasambahay.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.