Dear Diary,
Gumaan ang loob ko ng dalawin ko ang puntod ng mga magulang ko. Pakiramdam ko hindi nila ako iniwan.
Buong araw ay nakatambay lang ako sa sementeryo habang kausap sila. Ang dame kong naikwento sa kanila kasama na rin dun ang pinoproblema ko ngayon.
Naging buo ang desisyon ko dahil na rin sa sign na hiningi ko. Ang sabi ko kapag may nakita akong puting lobo sa loob ng sementeryo, lumipipad man ito o nakatali ay tatanggapin ko ang offer ni Marie.
Alam ko parang tanga lang ang ginawa ko dahil pwede naman akong magdesisyon para sa sarili ko pero di naman masama ang humingi ng sign paminsan minsan hindi ba?
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.