Dear Diary,
Naging masaya ang Christmas party ng kumpanya.
Alam mo bang nanalo ako ng Macbook? Grabe ang bait ni Lord. Ako ang nabunot para sa laptop na yun. Dalawa ang pinamigay ng kumpanya at isa ako sa nabunot.
May magagamit na ko sa pag-aral ko. Kahit na hindi ako pamilyar sa laptop na yun ay okay lang. Ang mahalaga hindi ko na kailangan magrent sa computer shop malapit sa school. Hindi na rin ako pasimpleng gagawa ng assignment sa opisina dahil pwede ko na tong gawin sa bahay.
Hiningi ko na nga ang password kanina ng wifi sa bahay eh. Ang galing lang talaga diary. Kung ano ang kailangan ko yun ang napanalunan ko.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.