Dear Diary,
Sabi na nga ba magagalit si Marie eh. Ito ang eksaktong sinabi niya.
"Ano ka ba naman best! Bakit ka nag apply na katulong? Bakit hindi mo itry mag call center, eh umabot ka naman hanggang 2nd year college."
Sinubukan ko namang mag apply dun ang kaso hindi ako magaling sa english.
Meron din yung pinaasa lang ako. pagdating kasi sa final interview bagsak ako. Ang sakit na kaya ng paulit ulit mareject.
Sa dame ng naaplyan ko iyong pagkakatulong lang ang ipinasa ko.
"Hahanapan kita ng trabaho. Magresign ka na" sigaw pa niya sakin.
Grabe Ang bestie ko. siguro napagod sa trabaho kaya highblood ngayon.
Gusto ko pa sanang sabihing hindi pa ako nagsisimula magreresign na ko kaagad eh ang kaso nagwalk out na siya. Alangang habulin ko pa para dun? Edi baka mas lalo pa siyang magalit sakin.
Anong gagawin ko diary? Wala na kong pera talaga at ayoko ng humingi pa sa kanya.
-Cory

BINABASA MO ANG
Dear Diary
Chick-LitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.