Dear Diary,
Monthsary namin ngayon. Alam mo ba kung saan kami nag-date? Sa school.
Nagpaenroll na kasi ako para sa susunod na sem. Fourth year na ko. ay hindi pala Third year irregular ako. mas marame kasi ang subjects na pang third year sakin ngayon eh. Pero meron ding pang fourth year. Alam mo naman nag shift ako ng course tapos ilang units lang ang kinukuha ko dahil na rin working student ako.
Sabi ni Paul mag concentrate na lang daw ako sa pag-aaral. Siya na daw ang magpapa-aral sakin at ibibigay ang lahat ng kailangan ko. gusto pa nga akong ilipat sa private university eh. aba tinanggihan ko na.
Haler boyfriend ko siya hindi tatay. Ang kulit! pinipilit niya pa rin yun kaya tinawag ko siyang sugar daddy ko. Nainis sakin. Hindi daw siya matanda.
Tsss! 6 years kaya ang agwat namin tapos tinatawag pa niya akong baby. Edi nagmumukha talaga siyang tatay ko.
Ayun simula pa kaninang nasa school kami hanggang sa date namin at hanggang hinatid niya ko sa room ko ay daddy ang tawag ko sakanya. Naasar nga siya eh. kapag di pa daw ako tumigil ay mommy na ang itatawag niya sakin. edi ayun! Daddy pa rin ang tawag ko! hahahaha. Asar na asar pa rin siya.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.