Dear Diary,
Tampulan ako ng tukso dito sa mansyon. Hindi sila makapaniwala na boyfriend ko si Sir Paul.
Bakit hindi ko daw sinabi sa kanila na ang senyorito daw pala ang nanliligaw sakin noon. Ang sweet-sweet daw nito. Tsss! sweet nga! hahaha
Ang dame nilang tanong kung paano daw nangyare yun? Alam kasi nilang hindi ko talaga gusto ang senyorito noon pa man. Naungkat pa nga ang ginawa kong pagsigaw sigaw dito nung isang beses na nalasing ako at nasukahan ko siya.
Di lang yun, tinanong nila kung dati pa daw bang kami at nagkabalikan lang daw. Dahil na rin natigil nga ang panliligaw ni boss at nagpunta siyang Singapore.
Sila-sila na nga ang naguusap usap at may sari-sarili pa silang espekulasyon. Yung iba tama, yung iba naman ay nakakatawa.
Sabi pa nga ni Noris kinulam ko daw si boss dahil hindi naman daw ako kagandahan. Aba naman diary alam ko naman yun pero akala ko magkaibigan na kami ni Noris eh. mukhang galit na naman siya sakin. Siguro may crush yun kay Paul. Sorry na lang siya at ako na ang girlfriend.
Mabait naman ako. marunong akong mag-share ng meron ako. pero pagdating kay boss syempre hindi pwede. akin lang siya no!
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.