Dear Diary,
Waaaah! Miss na miss ko na siya. Hindi ko alam na pwede mo palang ma-miss ang isang tao kahit na nakita mo na siya.
Nakita ko siya ng pinuntahan niya si Madam. Siyempre mommy niya eh at dahil ako ang secretary ni Madam pansamantala ay hindi ko maiiwasang hindi siya makita.
Nagulat ako ng bigla siyang dumaan sa harap ko, busy kasi ako sa harap ng computer ng mahagip ng mata ko ang pigura niya.
Napalingon ako sa kanya at di nakapagsalita ng basta na lang ito pumasok sa opisina ni Madam. Tsss! wala siyang manners diary! Hindi man lang ako binati.
Pinatawag nga ako ni Madam sa loob ng opisina niya na sobrang kinakaba ko kanina. Sobrang saya ni Madam na bumalik na si Sir Paul at sabi niya sakin na babalik na daw ako sa pagiging secretary niya dahil dito na daw ulit mag-istay si boss.
Ang awkward kasi ayaw akong paalisin ni Madam kahit nag-uusap na silang mag-ina. Si Sir Paul naman si Madam lang ang tinitignan at pinansin. parang di ako nageexist. Galit pa rin ba siya sakin? O baka naman hindi na niya ko gusto.
Pero bakit ganun diary? kahit na ganun ang trato niya sakin miss na miss ko pa rin siya. gustong gusto ko siyang yakapin na di ko alam bakit nararamdaman ko yun.
Tanga Cory! diba nga gusto mo na siya?
Diba nga nahuhulog ka na?
Bwisit naman diary! Bakit ang bilis niyang mag-move on samantalang ako hindi? Siguro nga hindi naman talaga niya ko gusto.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.