Dear Diary,
Kinakabahan ako para bukas ng gabi para sa anniversary party ng kumpanya. First time ko kasi at sinabi ko kay Madam ang nararamdaman ko.
Ang sabi niya wag daw akong mag alala dahil nasa tabi ko lang daw siya kapag kailangan.
I-enjoy ko lang daw ang party kagaya ng normal na empleyado.
Masaya si Madam dahil makokompleto na daw ang pamilya niya. Mula daw kasi ng matutong tumayo sa sariling mga paa ang dalawang anak niya ay nagsarili na itong mga to. Sa opisina o kaya kapag binibisita lang sila sa bahay niya nakikita ang mga ito.
Ibig sabihin makikilala ko na ang mga anak nila. Sana kasing bait din nila Madam at Ser ang mga anak nila. No doubt about that kasi sabi nga nila kung ano ang puno siya ang bunga.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.