Dear Diary,
Hindi na ko lumabas ng room ko after what happened upstairs. Nakatulog ako sa sama ng loob at Nagising ako eto gabi na.
Mukhang hindi na rin ako kinailangan ni boss dahil walang pag gising na naganap. Tinignan ko ang phone ko at wala naman siyang tawag.
Tsss! Sa tingin ko diary kaya siya ganun kagalit ay dahil hindi pa rin siya maka get over sa away sa office niya. Hanggang kahapon kasi hot topic pa rin ang nangyare. Yung galos ko nga sa leeg ay pagaling na, siya di pa maka move on. Buti na lang natatakpan ng buhok ko kaya naitatago ko pa.
Ako na nga ang nasaktan ako pa rin ang pinapahirapan. nasaan ang hustisya? Wala na nga atang mas sasama pa sa ugali ng boss ko.
Wala na kong araw na nilulook forward dahil kahit ganitong weekends ay pinahihirapan niya ko. Mas mahirap pa siyang i-solve kesa sa accounting ko!
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.