Dear Diary,
Binigyan ako ng tips ni Kuya Ray. Siya yung isa sa mga professionals na nag-aayos ng mansyon. Bata pa kasi kaya masarap kausap.
Ang sabi pa niya dapat nakadepende sa personality or gusto ng cliyente ang arrangement ng room. Kaya nga di na ko nagtaka na nakakatakot ang room ni Sir Paul dahil nakakatakot naman siya.
Para sakin ang dull ng kwarto niya. Oo maganda ang arrangement, panlalaking panlalaki. Pero hindi ako naeenganyo sa kulay na gusto niya.
Black,white,gray. Ano ba namang mga kulay yun? Walang kabuhay buhay. Maganda naman ang combination sa totoo lang. Siguro ay fan si boss ng mga dalmatian kaya ganun ang gusto niya.
Gusto ko ngang gawing blue ang theme ng kwarto niya pero sabi ni Kuya Ray dark blue daw ang babagay. Eh ang gusto ko ay sky blue. Sabi pa niya baka hindi magustuhan ni boss yung sky blue edi nawalan pa ko ng work.
Sabi naman ni Miss July ay puti. Hindi naman naluluma ang puti dahil bumabagay ito sa lahat. Kaya lang ayoko naman ng puro puti. Hindi bagay sa amo ko. Ang puti ay sa busilak ang puso eh questionable pa yun sa kanya. At tsaka pag puti para ka na ring nasa hospital. Hindi ko feel.
Ang mga kasambahay ay nagbigay na rin ng kanya kanyang combination na maganda. Pati ako ay natuliro na. Kapag ako nainis gagawing kong pink ang theme at pupunuin ko ng laces ang kwarto niya. Nakakainis!
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.