Dear Diary,
Nakausap ko si Rachel at itinanong kung okay lang ba siya. Naalala ko yung sinabi niyang baka mawalan siya ng work dahil sa nangyare sa bar. Ngayon ko lang kasi naisip na mayaman ata ang lalaking antipatiko na yun.
Una sa lahat magara ang sasakyan niya.
Pangalawa, galing siya sa subdivision kung saan nakatirik ang mansyon ng mga Lalopez kaya malamang may kakilala siya roon.
Pangatlo, nasa VIP siya sa bar kung saan ko siya sinuntok.
Pang-apat, nakita ko siya sa building ng mga Lalopez.
Gumaan ang loob ko ng malamang hindi naman siya nasesante. Tinanong lang daw siya kung sino ako. ang sinabi niya ay nakilala lang daw niya ako sa bar at pinangalanang Goldilocks.
Natawa nga ko eh pero yun daw kasi ang unang pangalang naisip niya kaya yun ang nasabi niya. Kaibigan daw kasi ng boss niya yung nasuntok ko. Yung boss din pala niya ay kasama nung antipatiko na yun sa bar last week. Buti na lang naprotektahan pa ko ni Rachel.
Ano ba ang dapat kong gawin? Siguro sa susunod na makita ko siya sa kumpanya ay saka ko na lang sasabihin kay Madam.
Baka mamaya namalikmata lang ako or baka wala na lang sa kanya ang nangyare. kung ibalandra kasi niya ang pasa niya ay parang okay na lang ang lahat.
Sana nga di na kami magkita. Please tadhana maging mabait ka pa rin sana sakin at wag kaming pagtagpuin.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.