Dear Diary,
May nakain atang di maganda ang boss ko dahil ang tahimik niya. I mean ang hinahon niyang kumausap sakin ngayong araw. Hula ko hindi maganda ang pakiramdam niya.
At tama nga ako dahil ng dumating ang hapon at pinasok ko ang opisina niya para magpaalam na aalis na ako ay tulog siya sa upuan niya.
Nang lumapit ako ay naramdaman ko ang init ng katawan niya kaya naman nataranta ako. Syempre diary paano pag mamatay siya? Anong sasabihin ng mga magulang nito kapag pinabayaan ko?
Buti na lang at may clinic ang kumpanya niya kaya naman nakatawag ako agad dun para matulungan ako. May alam naman ako sa ganitong bagay pero ayokong mag marunong kung pwede naman akong humingi ng tulong.
Pinainom nila ng gamot si boss. Ang taas ng lagnat, nasa 39 degrees. Rest lang naman daw sabi ni doc at meds lang ang kailangan niya.
Pinahatid ko na rin siya sa mansyon kahit na ang gusto niya ay sa condo lang siya. Eh sinong mag aalaga sa kanya dun? Mag isa lang siya. Ang tigas din ng bungo ng lalaking yun eh. May sakit na nga nakikipagtalo pa rin.
At dahil nga may sakit siya wala siyang magawa sakin. Ako ang masusunod ngayon. Aba naman kahit hindi kasama sa job description ko ang pag aalaga sa kanya ay pakiramdam ko parte pa rin yun ng responsibilidad ko at di niya ko mapipigilan kahit boss ko pa siya. Ganito ako pinalaki ng mga magulang ko. Aalagaan ko siya kahit pa kaaway ko pa.
Hay diary! Usap na lang tayo bukas dahil aalagaan ko pa ang boss kong gwapo din pala kapag tulog. Wag mo na lang ipagkalat na sinabi kong gwapo siya ah. Bye!
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.