Diary 17

142 5 2
                                    

Dear Diary,

Masaya ako! Alam mo ba kung bakit? Dahil alam ko he still cares.

Secretary pa rin niya ako na kahit saan-saan ay dinadala niya. I'm always present sa lakad niya pero 8am-5pm lang yun. dahil after nun ay kanya-kanya na kami.

Hindi niya ko masyadong pinapahirapan sa work ko. Nakakapag-aral ako minsan kapag walang masyadong ginagawa. It's like he knows what I'm doing at hindi niya ko iniistorbo kapag nag-aaral ako.

Kasi alam mo diary nagugulat na lang ako ng may mga ibang staffs na papasok sa office niya. kapag naman tinatanong ko kung anong sadya. pinatawag daw ni boss.

dati rati inuutusan niya kong tumawag sa mga departments at ikokonect sa kanya ang line kapag nakontak ko na. or minsan naman ako na ang kumakausap sa bawat department ng mga kailangan niya.

Ngayon naman ay eto parang siya na rin ang gumagawa ng work ko.

Akala ko nga nung una ay tinatrato na niya akong hindi nag-eexist  kaya ganun na ang nangyayare. ayoko naman ng ganun dahil sumasahod ako tapos walang ginagawa? kaya naman kinausap ko siya. Ayoko kasi ng ganun. gagawin ko naman ang work ko basta utusan niya ko eh.

Pero alam mo diary ang sagot niya nung kinausap ko siya ng maayos.

"I know it's you're exam. Just study. I can manage"

OMG! sumabog ang ovaries ko sa kilig. Cause he said that with concern. Hindi siya sarkastik or nagsusungit. Hindi ko alam kung paano niya nalaman yun dahil pasimple lang ako kung mag-aral, but I'm still thankful

Mas lalo tuloy akong ginanahang mag-aral dahil dun.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon