Diary 7

145 3 0
                                    

Dear Diary,

Iba na diary ang nararamdaman ko sa kanya. Ayoko ng ganitong feeling pero ang sabi ni Marie love na daw yun

Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko naikwento ko kay Marie ang mga ginagawa ni Sir Paul sakin  bago ang away namin at ang gaga tili ng tili.

Tuwang tuwa siya sa nalaman. Ako daw ang true to life Cinderella. Baliw talaga yung babaeng yun. Sabi ko nga hindi naman nanliligaw yung tao pero sinapak lang ako.

Masyado daw akong pa-humble at hindi bagay. Eh hindi naman nag-ask si Sir Paul na manliligaw eh tapos ngayon nasa Singapore na siya at ayaw bumalik. 40 days na siyang wala.

Sabi ni bestie obvious na daw na nanliligaw siya dahil nagtapat na daw si Sir Paul na gusto niya ko. Tapos hatid sundo ako sa school at sa office. Lagi din kaming nag-didinner at laging may flowers. isama ko pa daw yung binigay pa niya sakin nung Valentines day.

Ang manhid ko na daw para isiping wala lang yun. Kaya daw pala wala na siyang nababalitaang mga babae ni Sir Paul dahil natamaan daw sakin. Ang gaga hindi nga makamove on sa kwento ko.

nagtampo pa dahil late ko na daw nasabi. kung hindi pa daw umalis si Sir Paul ay wala siyang alam sa mga nangyare sakin. kailangan bang ibroadcast yun? Eh nakakahiya nga eh.

Kung si Marie ganito na ang reaksyon ano na lang yung mga nasa mansyon? ang tagal na nilang iniisp kung sino ang manliligaw ko dahil ayaw kong ipakilala.

Ang masaklap ng sabihin ko kay Marie ang nararamdaman ko ang sabi niya love ko na daw si Sir Paul. Hindi naman daw ako magseselos at mahihirapan ng ganito kung hindi ko siya love.

Love na agad? di ba pwedeng like muna? parang siya. like niya ko. so like lang muna. di pa nga niya ko love eh kaya dapat di ko rin muna siya love.

At tsaka iniwan na niya ako eh. siguro marame na siyang babae dun sa Singapore. doble pa siguro sa mga naging babae niya dito.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon