Diary 5

156 3 0
                                    

Dear Diary,

Ayun na nga nalaman ni Sir Paul ang pakikipagkita ko kay Sir Kade na di ko alam kung paano? gusto ko na talagang maniwala na may mata siya kahit saan na nakatutok sakin eh.

I tried to explain na nagpaturo lang ako pero galit pa rin siya. Bakit ko daw kailangan magsinungaling.

kung gusto ko lang daw kasama si Sir Kade ay bakit hindi ko na lang sabihin kaagad kesa gawin siyang tanga.

Naiyak na ko kanina dahil galit siya, eh wala naman kaming ginagawang masama pero sa pang-aakusa niya para akong nagtaksil sa relasyon naming wala namang label

sinusubukan kong ipaintindi sa kanya ang nangyare pero sarado ang isip niya. galit siya. Inakusahan niya kong tinutuhog ko silang magpinsan at dahil dun nainis ako lalo.

nagtalo kami sa loob ng opisina niya. sumisigaw na umiiyak na ko samantalang siya galit at sumisigaw na rin.

in the end sinabi kong ayoko na. Kung ganyan lang naman siya sakin tama na. na kung wala siyang tiwala sakin bakit pa kami susugal. kung hindi niya paniniwalaan ang sinasabi ko ngayon palang paano uusad ang relasyon bubuuin namin.

Pagkasabi ko nun ay tinitigan niya ko. hindi na siya galit parang pinag-aaralan niya ang mga sinabi ko. tapos natawa siya, tawang mapakla, at sinabing "is that what you want?"

gusto kong bawiin ang sinabi ko. hindi ko alam kung bakit pero natakot ako sa tanong niya. diba nga wala naman akong gusto sa kanya? pero bakit sa tanong niya kanina ay nanlambot ako.

"Is that what you want?" pasigaw niyang tanong kaya napa-yes ako ng wala sa oras. Yung tono kasing yun ang kinatatakutan sa opisina kaya mapapa-yes ka na lang.

pagkasabi ko nun ay Iniwan na niya ako sa opisina niya at dun ako umiyak ng umiyak. shet! iba na talaga ang nararamdaman ko.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon