Dear Diary,
Mix emotion! Yun ang nararamdaman ko ngayon.
Sa pagkakataong ito ay inalam ko ang numero ni Sir Paul at ng secretary niya para di na ko magmukhang tanga at papakin ng lamok kakahintay sa kanya. Pag ako nagkadengue o na-malaria makakalbo ko siya.
Nagdoorbell ako ng dalawang beses at inantay ang pagbukas ng pinto. Makalipas ang limang minuto nang gagalaiti na ko. Sunod sunod na tatlong doorbell ang ginawa ko.
Sumosobra na talaga siya kaya ng makalipas pa ang limang minuto ay sunod sunod ko itong pinagpipindot. Kahapon ko pa pinipigilan ang inis ko sa kanya. Wala na kong pakialam kanina kung masira ko ang doorbell ng hinayupak na yun!
Ngunit natameme ako sa kinatatayuan ko ng mabungaran ko siya. Kagigising lang niya. Ang gulo gulo ng buhok pero bumagay. Tsss! May deperensya na ata ako sa mata dahil parang ang gwapo ng dating niya.
Ang antipatiko hindi man lang nagsalita. Binuksan lamang ang pinto at tumuloy sa loob.
Tinignan ko ang paligid dahil baka may babae na namang lumabas bigla-bigla at baka nakahubad na.
Nang mapansin niyang tinitignan ko ang paligid ay ngumisi siya. Di ko tuloy mapigilang irapan siya.
Wala man lang hospitality management na nangyare. May ibinigay siyang notebook sakin at sinabing "my secretary is on leave. You'll be working for me in a month starting tomorrow." After nun ay pinalayas na niya ako. wala man lang refreshment. Leche talaga!
At ano daw? Ako ang magiging secretary niya simula bukas? OMG! Why oh why???
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.