Journal 47

152 5 0
                                    

Dear Diary,

OMG! OMG! Hindi ko alam ang nangyare?? Anong nangyare diary? May alam ka ba?

Ang natatandaan ko ay after kitang kausapin ay bumalik ako ng bar para lang madatnan na may kalandian na ang boss ko. Oh diba ano pang silbi ko kung lalandi din pala siya.

Nagpaalam na akong aalis pero yung kaibigan ni boss na ubod ng landi ay pinag-stay ako. Ayoko naman talaga dahil hindi ako komportableng kasama sila. humingi pa nga ako ng saklolo kay Sir para payagan ako pero ang sinabi lang niya ay "loosen up Coryna. Masyado kang stiff".

aba aba naman diary! Ako stiff? Sa inis ko sa sinabi niya ayun nag loosen up nga ako.

Di ko matandaan kung ilang shot ang natira ko basta lahat ng binibigay nila sakin ininom ko. Loosen up nga diba? 

Ayun na nga! Di ko na matandaan ang sumunod na nangyare. pag gising ko andito na ko sa room ko.

Paano ako nakauwe? Sino ang naghatid sakin? Sino ang nagbihis sakin? OMG talaga! First time kong nalasing dahil hindi naman talaga ako umiinom!

-Cory




Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon