Dear Diary,
Dahil hindi ako nakapasok nung isang gabi ay kinailangan kong mag make up class ng Sabado.
Hindi ko na pinaalam sa boss ko yun dahil na rin off ko naman talaga. Kaya nung tumawag siya sakin para papuntahin sa condo niya ay di ko pinansin. Mag antay siya hanggang gusto niya! Alam ko naman na hindi trabaho ang pakay ng antipatiko na yun dahil Sabado ngayon. Gusto na naman niya mag overtime ako. Hindi makaintindi na busy ako or rest day ko ngayon. Dalawang araw ko ng pinagbabayaran ang rambulang nangyare sa office niya. lagi niya kong tinatambakan ng trabaho.
Hapon na ng makauwe ako at halos malula ako sa phone ko ng makita ko ang 50 missed calls galing kay boss at kay Ate Rina.
Nang tawagan ko si Ate Rina ay sinabi niyang kanina pa daw ako inaantay ni boss. Wala raw masagot si Ate dahil hindi daw ako nagrereply sa text at tawag niya.
Nalimutan ko kasing magpaalam sa kanila na may make up class ako. Ginabi ako ng uwe kahapon dahil na rin sa pananambak ulit ni boss sa trabaho ko. Kaninang umaga naman ay nagmamadali akong pumasok at hindi ko nakita ang mga kasambahay pag labas ko.
Nagdalawang isip ako kanina kung tatawagan ko na si boss para mag explain or pagdating na lang ng mansyon.
Napagdesisyunan kong sa mansion na lang dahil malamang sa malamang ay uulit lang ako ng pag eexplain kapag nagkaharap na kami.
Double, triple or quadruple na ang kaba ko ng matanaw ko ang bahay. Pagpasok ko ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala sa sala si Sir Paul. Itsura palang nila ate Rina ng dumating ako ay alam kong wala akong takas sa galit ng boss ko.
Sinabi ko na sa kanila ang dahilan ko at saka nila ako pinaakyat sa kwarto ni boss.
Ito palang ang pangalawang beses kong aakyat sa second floor ng bahay kaya nagulantang pa rin ako sa ganda nito. Hinanap ko ang dulo at panghuling kwarto.
Inangat ko ang nanginginig kong kamay para kumatok. Nang marinig ko ang boses niya ay lalo akong kinabahan. Ewan ko ba bakit may ganun siyang epekto sakin pero kapag kaharap ko na siya maiinis na naman ako sa pagmumukha niya.
Nakita ko siya sa kama niya at kaharap na naman ang laptop niya. Nakakapanibago ang suot niya dahil nakapambahay lang siya. I always see him in business attire at tsaka yung almost naked attire.
As usual pinagalitan na naman niya ko dahil hindi ko sinagot ang mga tawag niya at ang tagal ng inantay niya sa pagdating ko sa condo niya. Buti nga sa kanya diary no? Pinag antay niya rin ako sa condo niya dati hanggang sa nilamok ako. Buti siya nag aantay pero nasa loob pa rin ng condo niya mas okay naman yun kesa sa nangyare sakin na nasa labas at pinapak ng mga lamok.
Hindi ko daw ginagawang mabuti ang work ko kaya kailangan pa niyang ulitin ulit at siya na daw ang gumawa ng dapat ginagawa ko. Sa inis ko sa kanya ay sinabi kong off ko ngayon kaya wala siyang karapatang magdemand ng overtime dahil may sarili din akong importanteng lakad.
Sinabi niya hindi daw eepekto sa kanya ang pang-aabuso ko sa kabaitan ng nanay niya. Aba matindi talaga ang lalaking yun! Gustong gusto ko ng sabihing "I quit", ang kaso malaki ang utang na loob ko kina Madam at Ser. Kaya tinanggap ko na lang ng tinanggap ang mga sinabi niya.
Sabi ko sa sarili ko " sige lang Cory. Pasok sa isang tenga labas sa kabilang tenga ".
Nang matapos siya ay lumabas na rin ako at di ko pa nasasara ang pinto ay naiyak na ko. Nakakainis naman kasi. Ang sama sama ng ugali niya. Ni hindi man lang niya ko hinayaang magpaliwanag ng maayos. Lahat na lang ng gagawin ko mali. Nakakafrustrate siyang katrabaho. Sabagay next week naman darating na si Madam. Konting tiis na lang diba Diary? makakaalis din ako sa kamay niya.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.