Dear Diary,
Excitement, kilig. Yun ang naramdaman ko kanina habang hawak hawak ang regalo ko para kay Sir Kade.
Naisip ko na ibibigay ko iyon sa kanya pagkatapos ng working hours. Oo pasukan na ulit kanina. Tapos na ang dalawang linggong bakasyon.
Nang dumating ang lunch time ay biglang sumulpot sa harap ko si Sir Kade at binati ako ng happy new year. Hindi ko nga naiwasang kiligin eh. Lalo na nung inabutan niya ko ng regalo. Hindi raw siya nakabili kaagad kaya hindi niya naibigay nung christmas party.
Isang magandang sapatos ang iniregalo niya. Nangulit kasi siyang buksan ko na para makita niya at malaman kung magugustuhan ko or kapag hindi ay papalitan na lang niya. Ang bait talaga ng lalaking yun diary.
Saktong sakto ang pagkakasukat. Flats naman yun na pwede kong maisuot kapag namamasyal ako. Bigla kong naalala ang sapatos na ibinigay ng stalker ko nung pasko. Maganda nga naman yun kaso hindi naman ako mahilig sa mataas na sapatos. At sa ganda nun nakakapanghinayang gamitin.
Sana magustuhan niya rin ang niregalo ko. Curious ka ba diary? Eeehhh ayokong sabihin nakakahiya eh.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.