Journal 88.3

130 3 0
                                    

Dear Diary,

Ito ang mahirap kapag dala kita eh. Simula ng guluhin niya ang buhay ko hindi lang isang entry ang naisusulat ko sa isang araw. Pangatlo na to ngayong araw na to.

Napakasira ulo kasi talaga ng antipatikong yun. Matapos niya kong sigaw sigawan kanina dahil sa hindi ko pagsagot sa mga tawag niya at matapos ang pagsigaw sigaw ko din sa kanya dahil sa babaeng pornstar na yun ay inaya niya kong magdinner.

Akala ko magiging okay na kami, ang kaso may mga kakilala siyang mga babae na paulit ulit na bumabati sa kanya kaninang nag dinner kami.

Ayoko na talaga. Sa susunod sa carinderya na kami kakain para wala ng nakakakilala sa kanya. Nakakawalang ganang kumain eh. Sayang ang mahal pa naman ng mga inorder niya.

Di ko alam kung magkano yung pagkain dahil hindi nakasulat. Sabi kasi nila dahil sa sobrang mahal hindi na nilalagay ang price. Tsk! Mga mamayaman talaga.

Hindi ko naman naenjoy ang pagkain dahil naiinis pa rin ako.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon