Dear Diary,
Yung issue na gumimbal sa relasyon namin ni Paul last week ay humupa na.
nagbigay na kasi ng statement si Paul na sana wag na kaming pag-usapan. That I don't have anything to do with their break up and they are both happy now.
syempre walang camera nung nagbigay siya ng statement. recorder lang ata yung gamit. Ang sungit kasi niya eh. ayaw magpakuha sa camera, gwapo naman.
Yun nga lang diary sa school ay sikat pa rin ang lovestory namin. pang cinderella pa nga eh. may mga bitter din akong schoolmate na sinasabihan akong social climber, pero pinagtatanggol naman ako ng mga classmates ko.
haler ako pa talaga ang aawayin nila? akala ba nila hindi ko sila papatulan? humarap lang sila sakin! naku baka manghiram pa sila ng mukha sa ipis.
buti na lang walang nagtatangkang magparinig sakin ng masamang saloobin nila, kundi aawayin ko talaga sila. kinukwento lang sakin ng mga tsismosa kong classmates na may kumakalat daw na ganung tsismis.
I wonder kung totoo yun or sila lang gumagawa.
Whatever diary basta ang mahalaga masaya pa rin ako kung anong meron samin ni Paul.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.