Journal 31

184 5 0
                                    

Dear Diary,

Napagalitan na naman ako kay Marie kanina ng ayain ko siyang pumunta kami ng ukay ukay. 

Pahihiramin na lang daw niya ako ng damet. Marame na raw siyang naatendan na party kaya marame siyang gowns. Magtingin na lang daw ako ng gusto ko dahil bibili naman daw siya ng bago.

Natuwa ako sa sinabi niya dahil hindi na ko gagastos pa. Kahit daw sapatos ay pahihiramin niya ko. Edi ang swerte ko na sa bestie ko diba? mabait na, mapagbigay pa. Siya nga lang ata ang malas sa bestfriend eh.

At tsaka diary alam mo ba inaya akong mag-lunch ni Sir Kade kanina. Sobrang kinilig ako lalo na at pinaalam niya ako kay madam.

Nakikinita ko ng siya ang magiging tita-in-law ko. i-pupush ko na to diary!

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon