Dear Diary,
Hindi ko kinaya ang pang-yayare kanina. hindi ko alam kung magiging masaya ba ako or hindi.
Kanina sobrang saya niya. sobrang saya niya sa pambubully saking hayup siya. Pero kasi alam mo yun diary, ang gwapo niyang tumawa. Imbis na mainis ako sa gusto niyang gawin namin ay napatulala nalang ako kanina. bumilis nga ang tibok ng puso ko eh. hindi dahil sa takot ako sa adventure na gusto niya kundi dahil sa kanya, sa ngiti niya.
natuloy kami a Macau towers kanina. Bukas na daw ang meeting niya. na post pone daw. kaya ang nangyare ay tinupad niya ang gusto niyang gawin namin, ang mag-bungy jumping.
pinilit niya ko. Grabe sobrang di ko kinaya. halos umiyak na ko dun pero tawa lang siya ng tawa. ineencourage niya ako pero hindi ko talaga kaya. buti nga napagod din siya at hinayaan na lang ako. siya na lang ang nag bungy jumping.
Ang swabe niyang tumalon. ako di ko yun kakayanin. ininggit niya ko pagkatapos na akala mo namang pinagsisisihan ko ang pagtanggi.
Yung sky walking lang ang talagang hindi niya ko tinigilan at napilit niya kong gawin. masaya naman sana yun kung hindi lang sa panaka nakang pang-aasar niya sakin na ihuhulog niya ako. panay pa ang dikit niya sakin. pero imbis na kiligin ako ay talagang nasasapok siya sakin. tinatakot kasi niya ako eh.
kahit naman kasi may safe gear kami iba pa rin ang taas nun ano. panay nga ang sigaw ko dun at siya naman panay ang tawa. at sa tawang yun nga ako natutulala. malala na talaga ako diary.
ano ng gagawin ko? mahal ko na nga ata siya.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.