Journal 62

133 6 0
                                    

Dear Diary,

Nagshopping kami ni Marie kanina. Para yun sa gaganaping Christmas party sa kumpanya.

Party na naman ito. Naisip ko ngang humiram nalang ulit kay Marie, kaso ang gaga ayaw magpahiram. Bumili naman daw ako ng damet ko. Puro hiram nalang daw ako.

Eh aanhin ko ang damet na minsan ko lang isusuot. Haler! Simpleng tao lang ako.

In the end, bumili ako ng simple dress na pwede ko ring gamitin kapag magsisimba ako or kaya kapag may pormal na lakad. Pwede ko rin siyang pang opisina lalagyan ko lang ng coat.

Sobrang tutol nga si Marie eh. Ang gustong ibili sakin ay seksi na damit. Eh aanhin ko yun? Kapag nag bar daw masusuot ko. Tsk! Sa opisina at school nga kulang na ang oras ko. Bar pa kaya?

Wala namang nagawa si Marie dahil pera ko naman ang ipinangbili ko. Maganda naman eh. Sale pa. hindi masyadong mabigat sa bulsa.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon