Journal 15

216 4 0
                                    

Dear Diary,

Ang babait ng mga amo ko. Nakilala ko na sila kanina at talagang all smile sila samin. Kahit na ang masungit na si Noris ay humahanga sa mag asawa.

Ipinakilala na ko bilang bagong kasambahay at inalam nila ang buhay ko na para bang normal lang iyon.

Si Madam ay talagang nakakatuwa. Naalala ko ang nanay ko sa kanya. Pareho silang maganda, mabait at masayahin.

Kinumusta pa niya ang kalagayan ko kung nahihirapan ba ako dito. Hindi ko mapigilang maluha ng itanong niya yun. Nataranta siya at inakalang pinapahirapan ako sa mansyon nila pero umiling ako.

Sinabi kong ngayon na lang kasi ulit may nag alala sa kalagayan ko bukod sa best friend kong si Marie.

Ngumiti si Madam na parang sinasabi na all is well. Napakaswerte ng mga anak nito dahil nagkaroon sila ng magulang gaya nila.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon