Journal 39

177 5 0
                                    

Dear Diary,

Tinawagan ako ni Madam para pumunta sa condo ng anak niya.

kunin ko daw ang papeles na nasa opisina ng asawa niya na naglalaman ng proposal ng Lalopez food industry at ibigay sa anak niya.

Buti sana kung si Senyorita Selene iyon. Ang kaso ay si Sir Paul ang tinutukoy niya.

Inihatid ako ni Kuya Seth, isa sa mga driver sa mansyon, kung saan nakatira si Sir Paul. 

Sobrang kaba ang naramdaman ko habang binabagtas namin ang penthouse sa isang kilalang condominium.

Ilang santo ang tinawag ko ng marating ko ang unit niya.

Nang makaipon na ko ng lakas loob ay saka ako nag doorbell. Nakailang ulit ako ng pindot pero wala.

Naalala ko ang sabi ni Madam na kapag wala ang anak niya ay ipasok ko na lamang ito sa loob at iwan sa dining table. Wag ko daw itong iwan sa mailbox dahil importante. Ibinigay din niya ang password sa unit ni Sir Paul.

Natuwa ako dahil pinagkatiwalaan ako ni Madam sa password ng unit ng anak niya. Ibig sabihin malaki ang tiwala niya sakin. pero hindi nito naalis ang kaba ko. Lalo itong nadadagdagan ng nadadagdagan habang tumatagal.

Nagtalo ang isip ko kanina kung ano ang dapat gawin. mas gusto ko kasing antayin si Sir Paul kesa ang pumasok sa unit nito kahit pa may pahintulot ng nanay niya. baka kasi ano ang isipin niya.

Sinubukan kong mag antay ng 15 minutes, na naging 30 minutes. Nung 45 minutes na ay nakatanggap na ko ng tawag kay Kuya Seth kaya ng dumating ang isang oras na pag aantay ko ay pumasok na ko sa unit niya.

Gulat ang rumihistro sa mukha ko ng makita ko ang nagkalat na mga damet sa sahig.

Dahan dahan akong naglakad papasok sa may dining. Hindi ko na maapreciate ang ganda ng paligid ng may makita akong underwear ng isang babae.

Napatakip ako ng bibig ng biglang may lalaking lumabas mula sa isang kwarto na nakatapis lang ng twalya at basang basa ang buhok.

Gulat ang rumihistro sa mukha niya ng makita ako. Di ako makapagsalita. Ganun din siya.

Ngayon lamang ako nakakita ng halos hubad na lalaki. At mas nanlaki ang mata ko ng may isang babae na nakabathrobe ang sunod na lumabas ng kwarto.

That point nabitawan ko na ang hawak ko at saka nagmadaling tumakbo palabas ng condo niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng marating ko ang parking lot at makita si Kuya Seth.

Nang tanungin niya ko kung naibigay ko ang mga papeles ay doon ko lamang naalala na nabitawan ko pala ito sa pagkagulat ko.

nagtalo ulit ang utak ko sa kung ano ang susunod kong gagawin. Paano kung hindi niya iyon napansin o baka itapon niya? Malaking problema ito.

Matagal akong nag isip ng gagawin dahil na rin ayokong bumalik sa unit niya. Di kinaya ng virgin eyes ko ang nakita ko.

Ang solusyon lang na naisip ko kanina ay tawagan siya. Wala akong numero niya kaya sa reception sa condominium ako humingi ng tulong. Pinasabi ko na naihulog ko sa sahig ang mga papeles na kailangan niyang makita. Hindi ako umalis ng reception hanggat hindi nito nakakausap si Sir Paul.

Gusto pa nga nito na ako na lang ang kumausap pero tumanggi ako at sinabi ko na galit ito saakin at ayaw ako makita pero importanteng makita niya ang mga papeles.

Nang maging okay na ay saka lamang ako nakahinga. Tinanong ko ang reception kung anong sabi. Nagalit daw ito na nagpapasok daw ng kung sino sa penthouse niya.

Napairap ako at gusto ko siyang saktan. Napaka antipatiko talaga. Nagpakilala naman ako sa reception at sinabi kong secretary ako ang nanay ni Sir Paul at ibinigay sakin ang password ng unit niya.

Nung una ay ayaw niyang maniwala buti na lang pinakita ko ang ID ko na nakasulat na nagwowork ako sa Lalopez Corp.

Bwisit talaga yung lalaking yun. Babaero na antipatiko pa. Kainis.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon