Dear Diary,
Wouldn't it be any harder?Marameng ideya kaming naisip. Tapos na ang lahat sa mansyon, yung sa boss ko na lang ang hindi pa naarrange.
Hindi kasi kami magkasundo sa magandang desenyo. May pwede naman, ang kaso pag pinagsama sama na di daw bagay kay boss.
Ewan ko! sila ng bahala sa gagawin dahil ang sakit na sa utak. Hinayaan ko na lang silang gawin ang gusto nila tutal mas kilala naman nila si boss kesa sakin.
In the end ay yung mga professionals din ang nag isip. Ang ganda nga ng kinalabasan. Siyang siya! Medyo lumiwanag lang ng konti dahil mas marame ang puti. Dark blue ang ginamit pero may touch pa rin ng black at gray. Ang furniture ay nasa itim at puti rin.
Kung tutuusin nga parang walang pinagbago sa una eh. Magandang tignang pero hindi siya homey. Parang walang nag-oocupy. Empty ang feeling. Mas maganda pa nga ang kwarto ko eh. Kahit maliit ang colorful naman.
Syempre pati ako ay nagrearrange din ng gamet. Tinapon ang di na kailangan at pinalitan ng bago magmula sa betsheets hanggang kurtina. Mga binili ko sa divisoria.
Ang sarap matulog kapag ganitong bagong palit at linis ang kwarto.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.