Dear Diary,
Nakapag paalam na ako sa mga kasambahay na kasama ko sa masyon. Nalungkot sila na aalis na ko kaagad. Maniniwala ka ba diary na maging si Noris ay mamimiss daw ako?
Inantay ko si Madam para pormal na makapag paalam sa kanya lalo na't sobrang naging mabait siya sakin.
Inaya niya ko sa opisina niya sa ikalawang palapag. Yun ang first time kong nakatungtong roon at talaga namang namangha ako sa ganda.
Naagaw ng atensyon ko ang family picture nila. Titignan ko sana itong mabuti ng tinawag na ko ni Madam.
Naintindihan naman niya ako nung sinabi ko ang dahilan ng pareresign ko. Nag alok pa nga siya sakin ng scholarship na tinanggihan ko. Nakakahiya naman kasing tanggapin yun dahil hindi na ko nagtatrabaho pa sa kanila.
Nagalit nga si Marie ng hindi ko yun tinanggap. Dapat daw tanggap ako ng tanggap kapag libre. Wag na daw akong choosy kasi wala naman akong pera. Ang sakit nun ah pero siyempre may hiya pa rin naman ako sa katawan.
Sabi pa niya mayaman naman daw ang amo ko kaya barya na lang nila ang tuition ko. Pero syempre ayoko namang abusuhin ang kabaitan nila.
Sa tingin mo diary dapat ba tinanggap ko yung scholarship? Kaso wala na eh! Tinanggihan ko na.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.