Dear Diary,
Kinilig ako kanina. Waaaahhhh! Sa wakas may nangyare na ring maganda sa pagiging secretary ko sa kanya.
Ganito kasi yun diary! Waaaah kinikilig ako.
Eto na. Badtrip pa rin ako about dun sa mga tumatawag para lang tanungin si Sir Paul. Nakikipagsagutan pa rin ako sa kanila kapag napatid na nila ang pasensya ko.
Pero kanina habang nakabusangot na ko sa inis ko ay dumating si Sir Kade. Ayun! dun nagsimula ang magandang araw ko. May pinag usapan sila ni Sir Paul at todo serve naman ako sa kanila especially kay Sir Kade.
Ang bastos nga ng boss ko dahil di daw masarap yung kapeng tinimpla ko sa kanya. ang pait daw. Tsss! Bitter kasi ako sa kanya eh. Bwisit siya.
Si Sir Kade naman nakangiti lang sakin. tama lang daw yung timpla ko sa kanya. Naman dinagdagan ko yun ng sugar kesa sa normal na timpla ko para sweet. Hehehe
Well kahit pinahiya ako ni Sir Paul dahil sa kape na kina bitteran niya ay okay lang dahil- OMG! Kinikilig ako.
Kasi diary after nilang mag usap ay pinuntahan ako ni Sir Kade. Waaaah! Akala ko kung anong itatanong niyang work related eh yun pala tungkol sa pag-aaral ko.
Gusto ko sanang sabihing di ako makapag aral mabuti dahil sa mga unlimited calls na natatanggap ko araw-araw. Isama mo pa ang bipolar kong boss. Pero syempre di naman ako ganun kaya sinabi ko na lang ang paghihirap ko sa pag intindi ng mga lessons ko sa school, which is totoo naman.
Itong gwapong gentleman at ubod ng bait na boss namin ay nagmagandang loob na turuan ako. Dun na nagsimula ang pagdating ng mga ulap. Para akong nililipad sa kilig.
Pero may dumating na panirang ipo-ipo at sinabing mamaya na ko makipaglandian dahil marameng trabaho. Gusto kong sabihing yung mga babae lang niya ang tinatrabaho ko. Peste! Taga sagot ng tawag, taga set ng dates niya, taga tawag sa mga client niya na iba naman ang gustong kausap.
Gusto ko na talaga siya sapakin kahit one time lang. Buti andun si Sir Kade na nagpagaan ng loob ko. Napipigilan ko pa ang sarili ko.
After work na lang daw niya ko tuturuan. Puntahan ko daw siya sa office niya. Gusto kong belatan si Sir Paul para ipakitang talo siya. Maganda pa rin ang araw ko. Kainis kasi siya eh.
After work tinuruan ako ni Sir Kade at naperfect ko yung exam ko. Ang galing talaga niya magturo. Mas naiintindihan ko siya kesa sa professor namin.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.