Dear Diary,
Bakit ganun? May kakaiba kay boss. After lang ng bakasyon niya ay nagbago na siya. Kung may pagkaantipatiko at masungit siya noon mas dumoble ngayon.
Yun ba ang new year's resolution niya? Sana naman naisip niyang kabaliktaran nalang nun ang gawin niya.
Pero alam mo kahit ganun ang naisip niyang new year's resolution ay may nagbago pa rin. Napakaformal na niyang makitungo sakin. Tama naman yun at wala namang kaso pero nakakapanibago talaga. ano kayang nangyare sa kanya sa France?
At sa buong week simula ng magresume ang work namin ay wala pa kong nakikitang babae niya na dumarating. Himala talaga!
Nasaniban kaya si Sir Paul? O baka naman nakulam? Ay inay! Uso ba yun dito sa syudad? Baka uso yun sa pinuntahan nila.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.