Dear Diary,
Kahit naman hindi sabihin sakin ni Marie ay alam kong may nasasabi na ang mga roomates niya sa pagtira ko sa condo nila.
May tatlong kwarto kasi ang condo at tatlo rin sila. Sa kwarto ako ni Marie at tabi kami sa kama niya.
Mabait ang best friend ko at ayaw kong abusihin iyon. Gusto ko mang umalis pero wala akong pera. Ang laki laki na rin ng utang ko sa kanya.
Sinabi ko kay Marie na kahit gusto kong mag ambag para sa tubig at kuryente ay wala talaga akong pera. Wala pa rin akong napapala sa pag aapply ko ng trabaho.
Magkatulong na lang kaya ako diary? Magaling naman ako sa gawaing bahay at libre pa ang matutuluyan at pagkain ko. Sa tingin mo?
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.