Journal 46

158 5 1
                                    

Dear Diary,

Dumating ang weekends at talagang napanatag na ko dahil sa wakas walang boss na antipatiko na sisira ng araw ko. 

Yun ang inakala ko. Minsan talaga dapat hindi lahat ng gusto mo natutupad.

Gaya ng kinasanayan ko ay tumutulong ako sa mansyon at the same time ay nag-aaral din. Sinisikap kong intindihin ang mga pinag aralan namin kahit na mahirap ito para sakin na dalawang taon ng tumigil sa pag aaral.

Tinawagan ako ni Marie para ayaing mamasyal ang kaso tinanggihan ko na. Masyado akong marameng inaalala para magliw aliw pa.

Kinagabihan ay tinawagan ako ng boss ko. Ang masayang araw ko ay ginulo niya. Tssss!

Pinapunta niya ko sa bar kung nasaan siya. Akala ko work related. yun pala ginawa lang akong taga-bantay niya. In short YAYA.

Nakaupo lang ako sa tabi niya at naging gwardiya sa mga babaeng lalapit sa kanya.

Ang sabi niya sakin ay may meeting sila sa bar na iyon ng mga possible clients, pero mga kaibigan lang naman pala niya ang kameeting niya.

Oo nag uusap sila ng business pero puro plano lang naman. Mostly usapang lalaki na.

May mga babaeng lalapit sa kanilang lima at minsan pauunlakan nila. Yung dalawa ay married na kaya sa natitirang tatlo sila nakapila. Yung isa tumatanggi. Yung isa naman lumalandi. At yung boss ko na naman sinasabing "I'm with someone" at ituturo ako. Ngingiti ako ng pilit tapos sila tataasan lang ako ng kilay at titignan mula ulo hanggang paa.

Bwisit na mga babae yun! Panunuya ang makikita sa mukha nila habang tinitignan ako. Naka corporate attire kasi ako. Todo ayos ang buhok at nakasalamin pa. Gusto ko kasing magmukhang secretary talaga para di napagkamalang isa sa mga babae ng boss ko. Pero walang jo naman oh! Ganun at ganun pa rin ang tingin ng mga babae sakin. Akala inaagaw ko ang pantasya nila. The heck! Ni kahit konting pagkagusto malabo na yun. Bukod sa alam kong hindi niya ko papatulan ay may gusto na kong iba.

Eeeeiii naalala ko na naman si Sir Kade kaya kinikilig na naman ako!

Dahil sa wala namang kwenta ang papel ko dun ay lumabas ako ng bar at sinabing nasosuffocate ako sa usok at sumasakit na ang ulo ko sa ingay. Nung una ay pinaningkitan niya ko ng mata at tinitignan kung nagsasabi ako ng totoo. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti na mukhang pinandirian niya. Bwisit!

Kaya heto ako nasa labas ng bar. Kasama ka at ang pen ko. Nagsusulat ng nangyare sa araw na to. Sinasabi ang hinanakit ko.

Sa tingin mo umalis na lang kaya ako at sabihing sumama ang pakiramdam ko? 

O babalik pa ko dun para lang langhapin lahat ng usok ng bar na yun?

I'm not a fan of going to bars pero magiging madalas na ata ito ngayong siya na ang boss ko.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon