Dear Diary,
Pwedeng magmura? Put*! Hayup! Lechugas na Paul Andrew Lalopez yan!
KINIKILIG AKO! Lang yah talaga oh!
Bakit ang sweet niya?
Tinatawag niya kong sweetheart kapag okay kami at naglalambing siya. pero kapag naasar na siya sakin ay baby na ang tawag niya. Kaya naman hindi ko maintindihan kung galit o naiinis na siya sakin dahil baby ang tawag niya.
Like "baby bilisan mo", "baby what do think you're doing?", " It's not funny anymore baby", "baby stop that!", "baby I'm mad!"
Alam mo yung galit siya pero natatawa na lang ako kaya mas lalo siyang naiinis sakin. Ang seryoso kasi niya kapag hindi na niya gusto ang ginagawa ko, pero kahit ganun na ang mood niya tinatawag naman niya akong baby. kaya parang hindi naman siya seryoso kahit seryoso naman ang mukha niya.
gets mo ba diary?
Naguguluhan na rin ako sa pinagsusulat ko. Sorry ah kung hindi kita napansin nitong nagdaang tatlong araw. Alam mo na, nilibot namin ang Macau at nagpunta pa kaming HK.
Ang ganda sa Disney Land diary. Lalo na yung parade. Sobrang saya ko dahil free kaming gawin ang gusto namin like an ordinary couple. Hindi ko inakala na ganito pala kasaya maging boyfriend ang katulad niya. nabebeybi talaga ako. hahaha
-Cory

BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.