Dear Diary,
Nalate ako ng gising kanina. Hindi kasi talaga ako nakatulog kagabi kakaisip ng mga nangyare kahapon.
Ayoko ngang pumasok nung una pero wala naman akong choice. Late ako ng 30 minutes at pinagalitan ako ng boss ko.
Oo yung lalaking nagtapat sakin kagabi na gusto niya ko ay pinagalitan ako dahil late ako. Tinambakan din ako ng mga itatype at i-aarrange na reports.
Ano na naman ba to? umikot na naman ba ang personality ng boss ko? nasa kabilang side na naman ba?
Kainis! ako lang ata ang apektado sa mga nangyare kagabi dahil kung umasta siya ay parang wala lang. gwapo pa rin siya samantalang ako ang laki laki ng eyebags.
Pinagtitripan nga lang ata ako ng antipatikong yun eh.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
Romanzi rosa / ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.