Dear Diary,
Punong puno ng text messages at missed calls ang phone ko pagkakita ko. Aba nakaalala ang malanding gago na yun.
Oo na inaamin ko na nagseselos ako sa babae na kasama niya sa pool ng mansyon nung isang araw at dahil hindi ko sila matake ay umalis ako ng mansyon at nagpunta kay Marie. mabuti na lang at wala akong pasok kahapon sa school at Sunday ngayon kaya off ko. Dalawang araw akong tumambay kina Marie at tinanggal sa isip ang tawanan nung dalawa sa may pool.
Inenjoy ko ang off ko kaya hindi ko dinala ang phone ko sa pagliliw aliw ko. Iniwan ko to sa kwarto ko. Si Marie lang naman ang pamilya ko kaya alam kong walang mag-aalala sakin.
Nagulat na lang ako pag-uwe ko ng mansyon at makita ang phone ko na halos sumabog na ito sa dame ng messages at phone calls. All because of the playboy jerk named Paul Andrew Lalopez!
Bahala siya sa buhay niya. Goodnight diary.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.