Journal 34

166 5 0
                                    

Dear Diary,

Pupunta na kami sa party mamaya. I still have a spare time kaya usap muna tayo kaibigan.

Excited na kinakabahan kasi ako at wala akong mapagsabihin. ang panget namang magsisigaw ako sa excitement dito sa mansyon o di kaya mag-aligaga dahil sa kaba. kaya ito isusulat ko na lang.

Sabi nila ang ganda ko daw ngayon. Inayusan ako ni Noris kahit na labag sa loob niya. Napilit kasi siya nila Ate Rina. Hindi ko alam kung anong pananakot ang ginawa nila kaya walang nagawa si Noris kundi ayusan ako.

Pero kahit ganun, laking pasasalamat ko na rin dahil hindi naman ako marunong maglagay ng kolorete sa mukha. polbo at lipstick lang solve na ko. kaya ng ayusan ako ni Noris ay nanibago talaga ako.

Sasabay daw ako kina Madam sa pagpunta sa party. sa mga oras na to ay andito ako sa garden malapit sa pool. Tatawagin na lang ako nila Ate Rina kapag ready na sila Madam.

Sana maging okay ang lahat. Alam mo bang nagresearch pa ko sa Google para lang malaman kung anong ginagawa sa mga anniversary parties at kung ano dapat ang asta. Ayoko naman kasing mapahiya ako o kaya sila Madam.

Sabi dun less talk less mistake kaya mas maganda na tatahimik lang ako kahit na mahirap.

Aja diary!

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon