Dear Diary,
Nakipagpalit sakin ng off si Ate Rina. Pinagpalit niya ang Saturday off niya sa Monday off ko kaya naman off ko ngayon.
Nakipagkita ako kay Marie at masasabi kong natutuwa siya sa mga kwento ko. Alam naman niyang di ako nahihirapan kaya panatag na siya. Pero sabi niya mas maganda pa rin kapag mas mataas ang trabaho ko kaysa sa pagkakatulong, kaya naman hahanapan pa rin daw niya ako ng ibang trabaho.
Okay lang naman sakin yun, basta ang interview ko ay tuwing off ko. Ayoko naman yung aalis na lang ako sa oras ng trabaho.
Dalawang linggo na ko sa mansyon at makukuha ko na ang sahod ko. Tatlong libo din yun kaya masaya na ko. Masisimulan ko na ring bayaran si Marie sa mga utang ko.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.