Dear Diary,
Hindi pa rin ako makamove on sa nangyare kahapon.
Umuwe ako ng basang basa. Pati pinamili ko ay nabasa rin. Nakakainis talaga ang lalaking yun.
Yung mga kasamahan ko ay nakisimpatya sakin samantalang si Noris ay tinawanan lang ako.
Hindi ko alam kung anong issue niya sakin pero naiinis na ko kanya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil bago pa lang ako rito.
Sayang nga lang dahil hindi ko naabutan si Senyorito. Sabi nila dumaan daw ito kahapon para kunin ang mga papeles ng kumpanya na nasa opisina ng daddy niya.
Grabe diary bigatin talaga ang mga amo ko. May sarili silang kumpanya. Sa tingin mo papayag kaya silang mag apply ako dun kahit janitress lang? Mas mataas kasi ang mga sahod kapag sa kumpanya nagtatrabaho diba? Tapos ang trabaho ay 8 hours lang. Gusto ko na rin kasing mag aral ulit. Kahit pang gabi lang.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.