Diary 26.2

133 5 0
                                    

Dear Diary,

Ito na nga ikukwento ko pa rin sayo. Ikaw ang unang makakaalam kesa sa bestie ko ah. wag mo na lang ipalaam sa kanya. Hihihi

Ayun nga dahil sobrang saya ni Paul, the whole ride pabalik ng mansyon ay di na niya binitiwan ang kamay ko. Ako na nga ang nahihiya kay Kuya Seth. tinatanggal ko pero tinitignan naman niya ako ng masama.

magsusukatan kami ng tingin tapos matatalo ako. nakakainis! takot pa rin ako kapag umaandar na ang pagkabossy niya eh. kapag naman ngumiti na siya sakin ang sarap niyang bigwasan.

Si kuya Seth nga pangiti ngiti na lang din samin. Nakakahiya talaga. 

yun ang unang nakakahiyang moment ko pagkabalik ng Pinas.

Ang pangalawa ay nung nasa mansyon na kami. grabe kahit anong hila ko sa kamay ko para bitawan niya ay matindi ang kapit niya. akala mo may nakadikit na mighty bond.

halos takpan ko na ang buong mukha ko ng makasalubong ko ang ilan sa mga kasambahay. Halata ang gulat sa mga mukha nila ng makita na kinaladkad ako ni boss paakyat sa 2nd floor ng bahay.

Sa tuwing sinasaway ko siya, sa tuwing sinasabi kong nahihiya ako, sa tuwing pilit kong lumalayo sa kanya ay ngumingiti lang siya at di ako pinapansin. Abnormal tong boyfriend ko. ay wait kinikilig ako! boyfriend na talaga?

Eh kasi naman nung narating namin ang kwarto ng mga magulang niya ay ipinakilala niya akong girlfriend niya. dun na halos hilingin ko na kainin na ko ng lupa.Nakakahiya kasi amo ko ang mga to eh. ang layo ng agwat ng buhay namin. 

Tipid na ngiti lang ang ibinigay ni Ser at binati kami. Samantalang si Madam ay tumitili pa na akala mo nasa concert kami. Ang saya saya niya dahil daw sa wakas ay sinagot ko na ang anak niya.

Alam niya na nililigawan ako ni Paul diary! nakakahiya diba? Akala ko kaming dalawa lang ang nakakaalam nun pero pati pala pamilya niya alam yun. shet! ibig sabihin alam din nila ang mga pag-aaway namin noon? diba nakakahiya diary?

At pagkatapos naming guluhin ang pamamahinga ng mga magulang niya ay dumiretso kami sa kwarto niya.

wag mo ng itanong diary ang detalye ng nangyare sa kwartong iyon! too much information na.

PS: Wag kang green-minded. Virgin pa rin ako.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon