Diary 34

126 5 0
                                    

Dear Diary,

Waaah bukas na ang birthday ni boss. Ano ng gagawin ko? Hanggang ngayon wala pa rin akong nabibiling regalo para sa kanya.

Humingi na nga ako kay bestie ng tulong para sa magandang iregalo, ang kaso napaka common naman ng mga sinabi niya. lahat naman ng iyon ay meron na si boss tapos mas mamahalin pa kesa sa kaya kong bilhin.

tsaka alam mo naman diary practical akong tao. hindi ko balak gumastos ng libo libo para lang sa regalo ko no. oo mahal ko si boss at deserved niya ang mahal din na gamit, ang kaso lang mahirap lang naman ako no! Hindi ko siya sing-yaman. Yung pagmamahal ko lang sa kanya ang overflowing.

gawan ko na lang kaya siya ng love letter? At least nag effort ako diba?

Kung cake kaya? kaso malaki na yung inorder nila Madam na cake niya para bukas.

Wala namang magarbong party sa birthday niya gaya ng kay Madam noon. simple dinner lang sa mansyon ang mangyayare kasama ang mga malalapit na kaibigan ni boss.

Woooh! kinakabahan nga ako dahil bukas ko makikilala ang mga kaibigan niya pati na rin ang bestfriend niyang manggagaling pa ng Davao.

Paano kapag nagbukasan ng regalo tapos yung akin lang yung out of place? Naman diary! ang hirap din palang magkaboyfriend ng mayaman.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon